Tulog na mahal ko

0 10

Tulog na mahal ko, nang makalimutan lahat ng sakit na iyong nadarama. Sa bawat pagpikit ng iyong mga mata, lilisan na lahat ng pighati at pangangamba. Sa paggising mo'y narito ako, laging nakabantay, laging nakaantabay. Pagkat ika'y mahal na mahal ko. Mahal na mahal kong tunay.

Malamig ang hanging dumadampi sa iyong mga pisngi, ngunit nag uumapaw ang init ng pag ibig na para sayo lamang. Sa pagmulat ng iyong mata, ako'y iyong masisilayan. Nakangiting tunay, na para sayo lamang. Ang aking paghinga nga ay para sayo ulit. Ang aking mga kilos ay para sayo parin. Sayo ang lahat ng sa akin.

2
$ 0.00

Comments