Puto flan

8 16
Avatar for Jessa
Written by
4 years ago

Alam naman natin na ang puto ay isa sa kilalang pagkain dito sa atin, pwede syan pangagahan o pangmeryenda hindi din sya nawawala sa mga handaan. Kaya ngayon naisipan kong ituro kung paano ako gumawa ng puto pero may dagdag na flavor ito ang leche flan na kilala din nating dessert sa mga handaan. Paano kaya kapag pinagsama sila? Ito po ang mga dapat gawin at mga gagamitin.

Ingredients:

Puto

1 cup All Purpose flour

2 tsp baking powder

1/4 cup evaporated milk

3 tbsp sugar (depende sa panlasa nyo)

Pinch of salt

Leche flan

2 eggs

1 Calamansi juice

1 condensed milk or kung low budget pwede na isang sachet ng powdered milk.

Una ihanda muna natin ang ating steamer na may tubig at dapat naka low heat lang ang apoy.

Gawin muna natin ang leche flan ibeat ang dalawang itlog pwede nakasama ang puti ibate ito lagyan ng kalamansi para mawala ang lansa ng itlog at ihalo ang condensed milk. Kapag nahalo na isift ito gamit ang salaan at ilagay na sa llanera.

Ilagay ang llanera sa steamer iwan ng nga 5 -7 mins hanggang sa maluto ang leche flan.

Habang iniintay na maluto ang lecheflan gawin na natin ang puto.

Una ilagay ang mga dry ingredients sa isang bowl pagsamasamahin ito. (all purpose flour,baking powder,sugar at pinch of salt) kapag okay na ihalo na din ang evaporated milk, haluin ito hanggang sa wala ng buo buo.

Kapag luto na ang leche flan kunin ang mga ito at ilagay na ang puto mixture. Isteam ito ng mga 7-10 mins hanggang sa maluto.

Ganon lang po kasimple at may Puto Flan kana heheh. Sana po ay may natutunan kayo dito. Maraming salamat po.

Happy cooking!

3
$ 0.00
Avatar for Jessa
Written by
4 years ago

Comments

Wow it looks so good and yummy..i am cravings for it now.thanks for sharing this recipe.

$ 0.00
4 years ago

looks yummy.. i'll try it sometime 😊 keep on sharing your recipe..

$ 0.00
4 years ago

During This Lockdown we have Enough time to make Different dishes.it Also make family bond.

$ 0.00
4 years ago

So please keep Publishing like this food item,so that we can try this at home.if i can i will also share

$ 0.00
4 years ago

this recipie is looking very amazing..thanks for sharing us this recepie.. I will try to make this recepie by learning it's procedure from you

$ 0.00
4 years ago

börek yapma konusunda biraz teçrübem var üstesinden gelebilirim sanırım tarif için teşekkür ederim

$ 0.00
4 years ago

Thank you for your comments, I will do another recipe again.

$ 0.00
4 years ago