Tagaytay

0 14
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Malamig na klima? Mayroon yan ang Tagaytay City isang maipagmamalaking lugar ng Pilipinas. Bukod sa Baguio City, kilala rin ang lugar sa napakalamig na klima lalo na kapag sasapit na ang buwan ng Disyembre.

Dito matatagpuan ang Taal Volcano na isa sa may pinakamagandang hugis na bulkan sa buong mundo. Marami ding mga turista ang dumadayo sa lugar na ito. Isa pa sa dinarayo sa Tagaytay ang Picnic Groove na kung saan matatanaw mo ang nasabing bulkan.

Sa Picnic Groove maaaring kumain ng sabay sabay ang magkakapamilya at magbonding. Sa Tagaytay din makikita ang Skyranch na kung saan mayroong malaking ferris wheel at maraming leisure activities.

Halina't pumasyal at bisitahin ang isang napakagandang lugar sa Pilipinas. Ang Tagaytay ay pangalawa sa napaka unlad na siyudad sa Cavite at marami pang magagandang lugar ang makikita dito.

1
$ 0.00
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Comments