Ang temperatura sa buwan ng Hunyo ay sobrang init. Tulad na lamang sa aming lugar dito sa San Fernando Pampanga, sobrang init na nga tapos maghapon pang pinatay ang kuryente.
Di ba napakasaya ng ganito? Ahahaha.... Dobleng parusa ang ginawa. Sobrang init na nga mas pinainit pa ng walang kuryente. Kaya sa buong maghapon hindi ka man lang makapagpahinga ng maayos lalo na ang nagtatrabaho sa gabi di man lamang makatulog ng maayos sa sobrang init.
Mga Puno na lamang ang tanging lilim na pwedeng puntahan para makapagpahinga ng maayos. Ang Klima sa Pilipinas ay sobrang iba na. Kapag ganitong buwan ang init ay hindi lamang ordinaryo.
Importante sa bawat tao ang uminom ng sapat na tubig sa araw araw panlaban sa init ng panahon. Sobrang malaking tulong din ang mga rechargeable electric fan at powerbank. Kaya dapat laging handa sa init ng panahon.