SK: Sangguniang Kabataan

0 2176
Avatar for Jerome202012
4 years ago

Isang magandang programa ng gobyerno ang SK o mas kilala sa tawag na Sangguniang Kabataan na kung saan nalalaman ng mga iilang responsableng kabataan at mga may planong lumahok sa pulitika sa kanilang paglaki.

Dahil sa pagiging SK Chairman or SK kagawad malalaman ng mga kabataan paano mamuno sa kanilang nasasakupan at maging responsable sa kapwa nila kabataan.

Matatalos din ang angking galing ng mga kabataan sa paglikha ng mga naaayong plataporma na maari nilang isagawa kanilang lugar na makikilahok ang maraming kabataan upang maiwas sila sa mga masasamang bisyo at gawain. Tuwing bakasyon ang pinaka popular na programa na isinasagawa ng mga SK ay ang LIGA ng basketball na kung saan makikita mo ang angkin galing ng bawat kabataan.

Sangguniang Kabataan ang tulay sa pagpapatibay sa bawat kabataan sa iisang lugar o komunidad. Naiilalayo nito ang mga kabataan sa mga walang kwentang bagay. Kung ang namumuno na SK Chairman at SK kagawad ay talaga namang masisipag, responsable at maaasahan.

2
$ 0.00
Avatar for Jerome202012
4 years ago

Comments