Sandigan ng mga Pilipino (Kapuso)

0 71
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Puso ang nagbibigay buhay sa tao. Kaya kung ako ang tatanungin kung ABS CBN o GMA ang pipiliin ko ay GMA Kapuso Network. Dahil sa 70 years nitong paglilingkod sa mga Pilipino. Marami na itong napatunayan tulad na lamang sa pagbabalita wala itong kinikilingan serbisyong totoo lamang.

Isang patunay ang Eat Bulaga na isa sa mga pinakamatagal na programa sa kapuso network na kung saan nagbibigay sila ng mga kasiyahan sa mga tao tuwing tanghali mula lunes hanggang sabado. Marami na din silang natulungang mga kababayan natin. Mga kabataan na nakapagtapos ng kolehiyo dahil sa kanilang bukas palad na pagtulong.

Ang pinaka bagong sunday noontime show ang ALL OUT SUNDAY na kung saan ang talento ng mga iba't ibang artista ay pinapamalas tulad na lamang sa pagsasayaw, pagkanta at pagpapatawa.

Ang mga drama na ipinapalabas sa kapuso network ay may aral sa buhay katulad na lamang ng My Special Tatay at Onanay. Popular din sa mga tao ang Kapuso Mo, Jessica Soho na kung saan napapanuod ng mga tao ang iba't ibang paksa patungkol sa buhay.

Malaking tulong din sa mga Pilipino ang programa ng naturang network na kung saan tinutulungan nila ang ibat ibang Pilipino sa Pilipinas. Marami din scholar ang natulungan ng naturang programa.

Kapuso mula sa puso ang pagmamahal na ipinapakita sa mga Pilipino. Kapuso ang numero uno sa lahat at sa buong panig ng mundo.

2
$ 0.00
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Comments

Wow nice article brother good job please continue your good words and spread a good news to your family ok? Thats all and i thank you!

$ 0.00
3 years ago