Paraisong Lugar: Palawan

0 27
Avatar for Jerome202012
3 years ago

May plano ka ba sa darating na summer vacation? Gusto mo bang makakita na sobrang gandang tanawin at may malinis na katubigan? Halina't sumama na sa pagtuklas sa isang paraisong lugar.

Ang Coron Palawan ay isa sa mga tourist spot sa Pilipinas at napabilang sa Seven Wonders in the world. Maraming parte sa Palawan ang lalong dinarayo ng mga turista.

Ang Coron Palawan ay binubuo ng limampung isla na sobrang ganda at talaga namang nakakabighani. Mayroon din itong Kayangan Lake na kung saan may napakalinis na tubig at sobrang sarap lumangoy dito at i enjoy ang bonding kasama ng inyong mga barkada.

But wait there is more??? Sabi ko nga ito ang mala paraisong lugar. Ang pinaka popular na tourist destination dito ang Twin Lagoon na kung saan pwedeng pumasok dito ang maliit na barko at ang mga turista ay nakasuot ng life jacket para sa kanilang kaligtasan sa anumang kapahamakan.

Isama na sa inyong listahan sa mga summer vacation ninyo ang Coron Palawan. At paniguradong hindi kayo magsisisi sa ganda ng malaparaisong lugar na ito.

2
$ 0.00
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Comments