Gusto mo bang makakita ng mga magagandang tanawin? "Mekeni tuki ka" sa tagalog halika sumama ka at ipapakita ko ang ganda ng Pampanga.
Alam ng lahat na ang Pampanga ay isa sa maunlad na probinsya sa Pilipinas. Una sa lahat, Kilala ang mga kapampangan sa taglay na galing sa pagluluto. Higit dito na masarap ang sisig sa kapampangan. Madami din mga produkto sa Pampanga ang maipagmamalaki. Tulod ng mga puto seko, naglalakihang mga parol tuwing pasko at marami pang iba.
Mayaman din ang kapampangan sa likas na yaman. Sa bayan ng Bacolor makikita ang pinakamatandang simbahan at pinakamatagal na paaralan ng kolehiyo sa mundo. Sa buwan ng Disyembre popular ang Sinukwan Festival sa siyudad ng San Fernando ang kabisera ng Pampanga.
Sa Sinukwan Festival makikita ang galing ng mga kapampangan sa pagsasayaw at may kasuotan na pinapakita ang aking talento sa pag dedesenyo. Mayroon ding Giant Lantern Competition, kung saan nagtatagisan ng galing ang bawat barangay ng siyudad ng San Fernando.
May mga tanyag na kapampangan din na kilala nating lahat tulad nina Diosdado Macapagal, Gloria Macapagal Arroyo, Jose Abad Santos at marami pang iba na naging matagumpay sa ibat ibang larangan.
Kaya ano pang hinihintay nyo? Pumasyal na at tunghayan ang angking ganda ng Pampanga.