Pag-ibig ni Jesus

1 5
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Ako ay nasa kolehiyo ng tanggapin ko si Jesus sa aking buhay bilang aking sariling Diyos at tagapagligtas. Wala akong masabi simula nung tinanggap ko sya sa aking buhay lahat naging maayos kahit mayroong pagkakataon na nagkakaroon ng problema at pagsubok nariyan siya para tumulong.

Walang katumbas ang pagmamahal ni Jesus. Patunay lamang na isa siyang anak ng Hari ng mga hari pero bumaba dito sa lupa upang hanapin ang mga nawawala at iligtas sa kapahamakan. Gayon na lamang ang kanyang pagmamahal sa sanlibutan. Naipako pa siya sa krus para sa akin at sa buong mundo.

Nakapagtapos ako ng pag aaral dahil sa kanyang tulong hanggang sa pagtake ko ng board exam at maging isang ganap na guro ko. Tinugon ni Jesus ang aking mga dasal. Sobra kung siya ay magmahal.

Kaya di ko ikakahiya na siya ay ibahagi sa iba. Si Jesus na mahal na mahal ako, ikaw at lahat ng tao. Talikuran ka na ng lahat pero siya nanjan pa rin sya para sa iyo at sa atin.

Si Jesus ang anak ng Diyos at aking tagapagligtas.

1
$ 0.00
Avatar for Jerome202012
3 years ago

Comments

@pinoy shared communities na approved po articles ko pero wala naman ang points

$ 0.00
3 years ago