Isang miyembro ng pamilya na masasabi kong
mahal na mahal nya ang bawat miyembro. Tulad
ng aking lola na pumanaw dalawang taon na ang
nakakaraan, masasabi kong isa siyang huwarang
lola na sobra ang pagmamahal sa kanyang mga
apo. Ang lola ko ay maipagmamalaki ko dahil
kahit ako ay binatilyo na patuloy nya akong
sinusuportahan at palaging tinatanung kung
ako ay kumain na ba pagkagaling ko sa trabaho.
Sa panahon na ang mga apo nila ay may sakit ang
mga lola ay nag aaruga at kinakalinga ng sobra
sobra. Kaya sa oras na siya ay nawala at pumanaw
aking naramdaman ang sobrang sakit ng kanyang
pagkawala.
Ang mga lola ay maipagmamalaking tunay at ang
pagmamahal na kanilang ipinapadama ay sobra
sobra yung tipong isusubo na lang nila ay ibibigay
pa sa kanilang mga apo. Kaya sa lahat ng mga lola
Maraming maraming salamat po.
Poet.