Lockdown

2 41
Avatar for Jerome202012
4 years ago

Time check: 05:14 p.m Date: June 29,2020 Where: City of San Fernando Pampanga. Anong paraan ang kailangan upang mahinto ang paglaganap ng covid19? Maaaring isagot ng lahat ang Lockdown o Total Lockdown. Ano nga ba ito at ano ang maitutulong nito sa isang bansa na may mataas na kaso ng covid19?

Ang Lockdown ay isang paraan para tumigil ang pagdami ng kaso ng may covid19. May naitulong ito sa bansa mula ng naipatupad. Una , ang galaw ng bawat tao ay limitado at hindi makalalabas ang kahit na sino kung walang quarantine pass. Ang mga edad 21 pababa at 60 pataas ay ipinagbabawal na lumabas simula nung lockdown.

Ipinatigil din ang mga transaksyon sa mga paliparan at mga jeepney transportation. Para maiwasan ang mga nanggagaling sa ibang lugar at ng hindi na kumalat pa ang naturang virus. Sa ngayon ang Pilipinas ay nasa moderate level na kung saan kontrolado pa ang pagdami ng mga covid19 cases.

Madiin din na ipinagbabawal ang mga walang suot na face mask ay hindi pinapayagan lumabas o pumunta sa kung saan mang lugar. May batas na din na ipinapairal sa mga taong pasaway at ayaw isuot ang kanilang mga face mask.

Sa ibang lugar, hindi madali ang pagpasok ng iba. Kinukuhanan muna ito ng pangalan, address at contact number at temperarura bago papasukin sa naturang lugar.

Maayos na pagsunod at pagtutulungan. Mapagtatagumpayan ang ganitong sitwasyon. Kapit lamang. We win as ONE.

6
$ 0.01
$ 0.01 from @jwolf
Avatar for Jerome202012
4 years ago

Comments

Nice article and very interesting,

$ 0.00
4 years ago

Thank you po.

$ 0.00
4 years ago