Tanda ko pa Habang nasa trabaho ako dun ko na celebrate ang pasko at new-year dahil di naman ako pwedi umuwi na amin sapagkat napakalayo ng probinsya andito ako sa manila tapos nasa leyte ang pamilya ko huhuhu nakakalongkot diba.
14 years old ako umalis samin para makipag sapalaran Dito sa manila akala ko napakadali ng buhay dito dahil sa observation ko yung mga kapit bahay namin na nag maynila ay gumaganda ang buhay pero Hindi pala sobrang hirap kailangan mo makisama sa mga taong nakapalibot sayo .
Kung ano kakainin nila ganun din ang kakainin mo kung ano gusto nila dapat sundin mo ganun ang kalakaran Dito sa Manila dapat marunong ka sumunod at makisama,Namulat ako sa murang edad na 14 Kailangan ko ng magtrabaho dahil ginusto ko to napapasubo ka talaga na bigat ng trabaho syempre Bata pa ako ang pwedi palang pasukan kargador at tindero sa gulayan.
5 taon din na Lumipas na pasko ang Hindi ko nakasama ang pamilya ko sobrang nangungulila talaga ako pero tiniis ko lahat yun para makaipon .
Biglang Pumasok sa isip ko ang magaral para naman kahit papaano gumaan man lang ang trabaho ko total 3rdyrs highschool naman ako kaya nagpatuloy ako sa pagaaral Pumasok ako sa ALS oh tinatawag na Alternative Learning System Ito yung tinatawag nila acceleration na kapag Naipasa mo ang exam ay pwed kna makapasok sa kolehiyo kung baga yung pinasok mo ay continue as a 4th yrs highschool .
So nag working student ako nagpaalam ako sa amo ko na mag Aral pumayag naman siya yung pasok ko sa SCHOOL nun ay tuwing Sabado Lang at linggo Siguro mga tatlong buwan din yun Bali Kung bibilangin mo yung pasok ko Lang ay 32 days thanks god naPasama ako sa pinili na Mag exam dahil sa pag tatyaga ko na magaral sapagsulat ng essay at pagsagot sa A&E TEST .
Sa 30 student nalang kasabay ko magaral 15 Lang kami sa nakapag exam yung iba halos isang taon naraw pumapasok kaso nagbabasketball Lang daw Kaya hindi sila napili mag exam hirap na hirap kasi sila sa A&E Kung nakakahiya naman nagkokodigs ko may mga kopa ba sagot kaya hindi sila napili.
Dumating na yung exam excited ako talaga nun buti nalang sa isang raw may kasama ako na kaklase ko yung iba kasi halos dko kilala dami kac district ma nah exam nun, Wow Sabi ko sa kanya ito yung na review natin pre nagpasalamat ako dahil alam ko na agad sasagot ko sa sarili raw namin ako yung pina ka unang matapos sumagot Ahaha mamadali no! Alam ko na Kasi mga sabot na review ko na yun malibqn dun sa essay na iba ang pamagat need mo naman ng estorya yun.
Tapusin kona muna haba n mg story ko next ko na yung karugtong inaantok nkuh graveyard pa kasi duty ko matutulog nakuh... Bye guys...