Uhaw na puso

0 8
Avatar for Jenliza
3 years ago

Nagsimula ang aming love story noon taong 2016, noong una masaya , napakasaya. Sa paglipas ng mga araw, buwan at taon marami kaming pinagdadaanan, maraming away bati moments pero kinakaya naman dahil sa aming anak.

Noon akala ko ang buhay may asawa ay laging masaya, dahil nga magkasama kayo sa iisang bubong at lahat ng mga bagay ay pareho niyong kinakaya at hinaharap.

Ngunit ang lahat ng ito ay kabaliktaran ng inaakala ko. Ang hirap pala may buhay asawa. Lahat pala ng maliit na bagay na hindi niyo nagkakaintindihan ay pinag aawayan.

Nakakasawa, gusto kong ibalik sa dati ang buhay ko. Pero kahit ganun may mga bagay din akong pinagpapasalamat dahil kasama ko at malusog ang aking anak.

Sa ngayon, lagi lang akong tahimik at lagi lang ang aking anak ang aking kasama.

2
$ 0.00

Comments