Masaya na mahirap☺

0 8
Avatar for Jenliza
3 years ago

Bilang isang ina, masasabi kong masaya ang magkaroon ng anak. Nakaka excite, mula pagka sanggol hanggang lumaki napapaisip ka na napaka galing talaga ng Diyos. Dinala mo siya hanggang siyam na buwan, at pagkatapos isisilang .

Siyempre masasabi ko rin na mahirap. Bukod sa pagpapabreastfeed sa baby mo, asahan mong mapupuyat ka rin dahil oras oras siyang nagdedede.

Isa pa habang lumalaki siya, nagiging malikot din. Oo mahirap ,pero sa tuwing nakikita mong malusog at masaya ang anak mo mapapawi ang lahat ng pagod mo.

Isa pang pinakahirap talaga sa pagiging isang ina, ay yung nakikita mong nagkakasakit siya. Na sana ikaw na lang ang nagkasakit at hindi na siya. Yung gusto mong gumaling na agad siya.

Sa ngayon,masaya ako dahil malusog at matalino ang anak ko.

1
$ 0.00

Comments