Join and earn Bitcoin Cash for participation

Father's day

0 1 exc boost
Avatar for Jenliza
Written by   1
2 weeks ago

Isa sa mga pinaka ayaw ko noong bata ako ay ang "father's day". Ayaw na ayaw ko dahil hindi madali para sa isang tulad ko ang mag diwang ng araw ng mga ama.

Anim na taon ako noon ng maghiwalay ang aming magulang.

Masasabi kong hindi masaya ang pamilya namin noon noong ako ay nagkakaisip na. Laging nag aaway ang aming magulang. Malungkot at mahirap dahil walang araw na hindi sila nag aaway. Sa tuwing nalalasing ang aming ama lagi silang nag aaway.

Hanggang sa nagkasakit sa puso ang aking nakakatandang kapatid dahil sa laging magulo at maingay ang aming buhay. Hindi madali ang lumaking sira ang kinalakihan kong pamilya.

Sa ngayon hindi namin alam kung nasaan ang aming ama pero alam ko kung nasaan man siya ngayon ay nasa mabuti siyang kalagayan.

Kahit ano pa man ang mga nagawa niyang mali sa pamilya namin noon wala akong tinanim na sakit ng loob sa kanya dahil kahit ganun siya siya parin ang aking AMA.

1
$ 0.00
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments