Ang aking pagsilang sa aking anak👶

0 10
Avatar for Jenliza
3 years ago

Taong 2017, buwan ng agosto isinilang ko ang aking munting anghel☺.

Mahirap ang aming paglalakbay ng aking anak noong pinagbubuntis ko siya.marami akong karamdaman, marami akong gamot para mapanatiling ligtas siya sa aking sinapupunan .

Hirap din akong naglihi sa kanya noon dahil hindi ako nakakakain ng maayos. Isinilang ko siya ng maaga dahil sa nagkasakit ako kaya kailangan na mailabas ko siya para hindi siya maapektohan.

Masayang masaya ako noong nakita ko siya dahil siya ang dahilan kung bakit ako lumalaban sa buhay, siya ang nagbigay ng kulay sa buhay ko.

Sa ngayon mag magtatatlong taon na siya sa august. Malusog, masayahin at matalinong bata.

2
$ 0.00

Comments