Ang asawa kong lasinggo😂

0 5
Avatar for Jen26
Written by
2 years ago

Sa mga lalaking mahilig sa alak, hwag kayong nagagalit kapag pinapauwi o kinokontrol kayo ng asawa ninyo. Alam ba ninyo kung BAKIT? Kasi puno ng pangamba ang puso ng inyong KABIYAK na baka dumating ang sandali na magkasakit kayo dahil unti unti ng nalulusaw ng alcohol ang atay ninyo o kaya naman bigla kayo maaksidente lalo na kung magmamaneho pa pauwi. Kapag dumating ang sandaling ganito, WALANG IBANG MAGMAMALASAKIT AT MAGTITIYAGANG MAG-ALAGA SA INYO KUNDI ANG ASAWA o KASAMA NINYO SA BUHAY. Yan mga kabarkada, kainuman , kumpare o kaibigan, hanggang sulyap lang iyan at ABULOY ang ibibigay kung sakali bawian na kayo ng buhay. Sige nga SINO ANG MGA KAINUMAN NA GUMASTOS SA PAGPAPAGAMOT O PAGPAPALIBING NG KAINUMANG NAAKSIDENTE AT NASAWI? Hwag magalit sapagkat ito ay isang katotohanan na di ninyo maintindihan dahil sa salita ninyong PAKIKISAMA o NAKIKISAMA kayo sa kaikutang BASO sa AGUADA DE PATARANTA.

1
$ 0.00

Comments