Hindi naging handa sa mga pangyayari
Sa isang iglap
nag bago ang lahat
Ang dating masaya at puno ng kwentong samahan
napalitan ng kalungkutan
Ang dating sabik sa mga yakap
Naging matamlay sa isang iglap
Ngunit ano nga ba ang nag pabago?
Lagi naman akong may oras para sa'yo
Nandyan pag kailangan mo
Nakikinig sa mga kwento mo kahit paulit ulit nalang
Pero bakit nga ba tayo nag bago?
Dahil ba sa mga katagang iyong sinambit?
Yung mga katagang gusto mong ipilit
"Liligawan kita, sinabi ko na kay mommy"
Teka hindi naman kase ako handa sa mga ganyang usapan
Pag dating sa romantikong relasyon labas tayo dyan.
Dapat pag kaibigan, kaibigan lang wag ng i-level up
Ang hirap kaya mangarap sa ilalim ng ulap
Tapos masisira lang sa isang iglap.
Advance na kung advance mag isip,
oo alam ko.
Kaya kaibigan, freeny, beshie, parekoy o kung ano pa man ang tawag ko sayo
Pasensya kana
Hindi ako yung tipo ng babae na ipag lalaban ka
Hindi ko kayang isugal ang samahang binuo nateng dalawa
Duwag na kung duwag pero...
Patawad, kung hindi ko tinanggap ang iyong panunuyo
Ayoko lang kaseng isuko yung samahang sabay nating binuo
Gusto ko lang naman maging masaya kasama ka
Pero hindi sa paraang gusto mo
Hindi naman sa binabasted kita
Gusto ko lang na buksan mo ang iyong mga mata
Para makita mo ng mas maganda
Na mas magandang maging mag kaibigan nalang tayo dalawa
Diba mas okay yon? Yung sa dulo walang sisihan?
Di ba mas okay yon? Yung chill lang, walang ilangan?
Diba mas okay yon? Yung walang break up kase di natin pinilit na i-level up?
Kaya kaibigan, pasenya na. Hayaan mo nalang sanang ituloy ang istorya nating dalawa, hindi bilang magka-i-bigan kundi bilang magkaybigan.
Hangad ko'y mahanap mo na yung babaeng kakayaning sumugal para sayo.
At pag dumating ang punto nayon
Sana ok pa tayo
Sana maging mag kaibigan parin tayo
sana kilalanin mo parin ako bilang kaibigan mo
Hindi naman ako magiging hadlang
sa totoo lang susuportahan ko pa kayo
Pero sana wag mo lang akong makalimutan
Na ma'y isa kang kaibigan na naka suporta sa'yo
Laging nakapalakpak sa mga pag papalang na natatanggap mo.
At sa huling pagkakataon, freeny, beshie, bespren o pare koy, pasenya kana Kung hindi ko kayang tanggapin ang panunuyo mo
ayoko lang kase talagang mabalewala yung samahang matagal nating binuo. Ngunit ano pa man ang mangyari, nandito lang ako sayong tabi, mananatiling kaybigan mo.
usually bestfriends becomes lovers