Para sa mga na-ghost, napangakuan ng walang hanggan at napaniwala sa mga mabulaklak na salita:
"GANITO TAYO"
May mga bagay talagang hindi para sayo at lalong lalo na, may mga tao ring hindi para sayo...
Ang saya nating dalawa. Hawak kamay na dumadaan sa kalsada. Araw o ulan ay di alintana, maski init o lamig, dahil ikaw naman ang kasama. Hindi ko inaasahan ang iyong pagdating. Ni hindi ko inaasahang aabot tayo sa ganito. Magulong simula, pero sigurado akong masaya tayo. Pero pano ko nakasiguro? E, ganito nga tayo.
Siguro naman naalala mo pa kung paanong sinabi mo sa akin, na "ibibigay ko yung pagmamahal na hindi mo makuha" "ipaparamdam kong importante ka" "iingatan at pahahalagahan ko ang bawat ikaw". Siguro di mo naman nakakalimutan kung paano tayong nagsimula. Naaalala ko pa kung paano mong sinabing hindi tayo talo pero bakit ganito tayo ngayon.
Napakabilis ng mga pangyayare, ang walang pansinan naging usap nang walang tulugan. Ang mga pangaasar mo sakin naging lambing na inaamin ko namang nakakakilig. Ang mga "hi,hello" lang noon naging "good morning" hanggang "good night" nang lumaon. Ang mga awit na inalay mo at sinabing sa akin pumapatungkol ang kantang iyon. ...
Siguro tama nga ung sabi sa kanta, "di kita dapat ginugusto, pero natutukso". E pano ba naman, sumakto ka sa panahong ayoko na lang magmahal at mas pipiliin na lang wag makaramdam. Tapos, ipinakita mo sa akin kung gaanong kasayang mabuhay na, ikaw yung kasama... Nabighani, natuwa at umasa ako sa mga salitang, masyadong masarap pakinggan na napaniwala akong pwede silang magkatotoo.
Dumaan ang segundo, minuto, oras at mga araw na ikaw ang kausap at kasama. Di malilimutan mga sandaling malamahika. Yung tipong makita ka lang, araw koy buo na, e pano pa kapag nakasama kita, mapapa thank you, Lord na lang talaga. Tangi kong dasal no'n ay wag ng matapos pa, itong nadarama. Kasiyahan ng puso'y sayo ko natagpuan.
Pero, bakit ganito ang aking nararamdaman ngayon. Pagsisisi, sakit at hinanakit ay unti unti akong nilalamon. Naramdaman ko ang pagguho ng pantasyang sabay nating binuo. Nasa ere na pala tayo, at masakit na iniwan mo kong nagiisa rito. Maduga talaga ang mundo. Kung kelan ka naging kuntento, doon ka pa wawarakin ng todo.
Ganito tayo,
Sira, magulo at di na mabubuo
Akala kong ghost as in momo..hindi pala..😊😊😊