Sa murang edad na sampung taon, mag-isa na sa buhay si Tambo. Literal na mag-isa siya sa bahay. Siya ang gumigising ng maaga magluto ng pagkain niya bago pumasok sa eskwelahan at siya rin naglilinis at naglalaba ng damit. Papunta siya ngayon sa bundok kung saan nakatira ang kaibigan niya sa eskwelahan. Nag-imbita ang kaibigan na mamingwit sa sapa at agad namang pumayag. Nahahapo siya kaya't napatigil siya sandali. Inaalala niya ang mga panahong magkasama pa sila ng kanyang Mama at Papa. Nanonood sila ng tv habang nakakandong siya sa amang nakaupo sa sopa. Maganda ang kanyang ina na mapagkamalan mong artista. Maputi ito at matangkad, napakabata rin itong tingnan gayong tatlong taon lang naman ang tanda ng kanyang ama. Napalingon siya sa ama. Maitim ito at parang di naliligo. Bakas rin sa mga mata na lagi itong puyat. "Hindi sila bagay", yun ang nasa isip ni Tambo. Drayber ng trak na naghahakot ng buhangin ang ama ni Tambo. Madalas itong wala sa bahay pero madalas namang tumatawag, araw-araw niya itong makakausap. Nagpapasalamat siya na may alaala siyang magkasama ang kanyang magulang dahil hindi nagtagal ay nawasak ito. Gabi-gabi, umaalis ng bahay ang ina kaya natuto na rin siyang mag-alaga sa sarili. Nagsimula ito nung pitong taon pa lamang siya. Alas sais tumatawag ang ama, kakausapin niya sandali at pagkatapos ng tawag, nakabihis na ang Mama niya't may nag-aantay na sasakyan sa labas. --- Hello fans. ✋ Hahaha nairaos ko na ulit ang naipangako ko. Syempre, part 1 lang ulit ito. Bukas na ang karugtong ulit. Haha Bahala na kayo mag-isip ano ginawa ng Mama ni Tambo. 🤭
15 comments
Pwede ka na mag publish ng book hehe
Hahaha hindi kaya yan😂
Parang may somethings si nanay hahaha
Hahaha masama ba or mabuting something? 🤭
Haha Excited na akong mabasa ang part 2. Subaybayan ko buhay ni Tambo..Walis tambo?
Tambo kasi mahilig ako kumain ng tambo (bamboo shoot)😂 yan lunch ko kaya yun nlg naipangalan ko😂
Ang galing mopo ka noise pwede ka napo Sa Sa read.cash
Hahaha ayaw ko dun. Wala kong friends dun tapos never ako napansin ng random rewarder hahaha
May talent Ka talaga sa pagsusulat sis. Waiting sa next episode sis :)
Hahaha salamat sa pagsubaybay po
Huwag kang ano nagrorosary yon nagnonobena ahahaha😆
Hahahaha tologo bo sis? 😂🤭
Is this your story, are you writing this yourself, are you publishing books, are you writing books, are you a writer or are you doing it as a hobby, whatever it is, it's a beautiful text
Yes. This is my story and this is a hobby since I don't do read.cash where it is fitted to be written on. I'm not publishing nor writing books, I just simply my imagination.
ngayon ko lang nabasa sis, busy ako kanina ang ganda at suspense yung karugtung niya.