Hello my fellow writers! Hows your Monday routine? Did you pay already your monthly contribution? Me? Ive been at SSS, I need to pay my monthly contribution and also my salary loan. So around 10:20am umalis na ako ng bahay. Sana lang di mahaba ang pila baka abutin ako ng forever hehehe. Tagal ako nakaalis kasi umaga pa lang umuulan na dito. Dadaan pa ako ng AVON pagkatapos sa sss.
Kayo din ba ang kumukuha ng PRN ng loan ninyo sa online? Kasi last August nagbago ang taga sss na kesyo kami daw ang magsearch sa sarili naming PRN. napawow ako at sabay sabi ko sa teller binibigyan niyo na kami ng trabaho talaga. Medyo sumakit ang bangs ko pagkasabi nya.
Eto convo namin about sa monthly contribution.
Teller: Mam bat walang PRN ang apat?
Me: mam diba kayo ang naglalagay ng PRN namin?
Teller: Kayo na ang maglalagay mam kasi nagsesend kami through text messsages para sa PRN
Me: So pano mga kapatid ko at lalo na sa dalawa kung ofw na 3 years ng di pa nakakauwi.
Teller: Dapat mam sila talaga
Me: Sige next month yung dalawa di ko na isasali so tatlo na lng babayaran ko. Walang roaming # ang dalawa kung ofw kasi 3 years na silang di nakakauwi at di na uso ang roaming kasi may facebook naman.
Teller: mam ang dalawa mo pang kapatid andito lang sa pinas?
Me: yes po mam
Teller: Dapat lagyan din nila PRN sa contribution
Me: Naku si kuya ko laging andon sa bukid dahil sa piggery niya at ang sister ko naman bagong panganak
Teller: Dapat mam lagyan din nila ng PRN ang form nila
Me: sige sige silang apat di ko na isasali next month pag nagbyad ako. Trabaho niyo yan pero pinasa niyo pa sa amin.
Di na nakaimik ang teller kasi tumaas ang boses ko at nagtinginan na mga tao sa amin. Sino ba naman ang di magagalit? For how many years akong nagbayad tapos ngayon pahihirapan pa ako. Sumakit bangs ko sa kanya sa totoo lang.
Since September hanggang November di na nagreact ang teller sa 5 forms ko eh sa akin lang ang may PRN. Di nya tatanggapin eh di ko rin babayaran. Ako lang kasi ang nka register sa online. Tagabayad lang ako sa monthly contributions ng mga kapatid ko. Di biro pumila sa sss ah tapos gagalitin pa ako. Every 3rd week na nga ako nagbabayad para wala na masyadong tao.
Ayaw ko sanang magloan pero sabi kasi ng kaibigan ko gamitin ko daw kasi ibang tao daw ang gagamit sa slot ko. Kaya ayun nagkaloan ako ng wala sa oras kahit ayaw ko. Nastress ako na everytime na magbabayad na ako tapos check ko pa sa online ang PRN. Minsan nga nakalimutan ko pa at wala akong load sa cp ko kaya pagdating don magwewelga na naman ako hahaha. Trabaho kasi nila yan at pano na lang ang mga senior citizens diba.
Inaabot talaga ako ng 3 or 2 hours sa sss kasi isa lang teller nila. Mauubos posing ko sa upuan at lowbat is real agad ang cp ko. Sabi pa ng katabi ko kanina "bat di pa siya tumatawag ng #"? Sabi ko ante nakigchikahan pa oh sarap sabihin "nagmamadali kami". Kung akin lang sana ang binabayaran ko monthly eh sa online na ako lagi magbabayad para less stress para sa akin kasi may baby pa akong inaalagaan.
Kung di lang sana importante ang sss di ako magtitiyaga sa mga ugali ng taga sss. Para sa future ng mga anak kaya kung magtiis. Wag kayo mag absent sa pagbabayad para maregular na kayo at malaki pension niyo pag tumanda na.
At avon branch..
Avon user din ba kayo? Ako kasi since highschool hanggang ngayon ay avon pa rin ako. Wag na kayo magtanong kung ano kinukuha ko kasi matibay kasi siya at di madali masira. So alam niyo na hehehe. Unexpected pagkikita namin ni aying kasi nasa Manila siya nagwork last 2017 pa yun tska ngayon lang ulit kami nagkita ng baklang eto. Niyaya pa ako ng lunch at treat niya daw. Sabi ko next time na kasi need ko na umuwi talaga kasi 12:30noon time na.
Hanggang dito na lang ang kwento ko about sss.. Wag tayong tumahimik lang lalo na kung alam naman natin. Ako kasi nagrereact ako pag di na tama. Bahala na sila mag adjust sa akin basta magwewelga talaga ako.
Thats all for tonight and have a nice evening. Thank you so much to all my readers, my awesome sponsors and to my beloved rusty. Goodnight and love you all guys!
November 22,2021
Monday
10:55pm
Philippines
The fighter mom,
Jeansapphire39
Luckily I use the electronic payment of all my taxes, because if I had to dedicate so much time to these procedures I would not be able to. Greetings.