consuka hair rebond effective ba talaga
Madami na akong nabasa tungkol sa paggamit ng consuka at sinasabi nilang nakakapagpalambot daw ng buhok at nakakapagpatinggad din daw ng kulat ng buhok. madami na din ang gumamit nito. may mga ngayon lang din ito maririnig o malalaman.. anu nga ba ang consuka? it consists of conditioner (2 sachets of conditioner my choice was creamsilk pink) at isang kutsaritang suka (any suka na nasa kusina niyo wag lang yung may timpla na na sili ha haha).. paghaluhin lang siya at ialagay sa buhok na malinis (mas maganda na basahin muna ang buhok, i-shampoo at patuyuin para malinis nga haha) , iababad sa buhok lagyan mo ng plastic cover ulo mo para babad talaga and after 30 mins, banlawan (shampoo and conditioner or isabay mo sa pagligo).. agad agad makikita mo ang resulta na madulas na buhok at staright siya kesa nung bago mo lagyan ng consuka. syempre besh kapag kulot na kulot ka or damaged na damaged ang buhok mo hindi ganun ka staright na para kang naka brazilian. pero mas straight siya at maduals at makinis kesa nung di mo pa nalalagyan ng consuka.. tanong ng iba, hindi pa mangangamoy suka ang buhok mo, hindi ba masakit, hindi ka ba mangangasim. Hindi po basta tama ang formula mo. wag mo lagyan ng madaming suka syempre hindi na priportion yan baka masunog naman or madira ang buhok mo lalo... hindi din siya maasim at mahapdi basta nga tama ang sukat mo. nasubukan ko na siya at talaga ngang maganda siya. proven and tested sabi nga ng iba. maganda ang resulta niya sa buhok ko. ginagawa ko ito once a week para ma maintain. ikaw? natry mo na din ba ito? try mo din tapos comment ka ng kung anong resulta sayo.
14 comments
Ginagawa ko Yan at maganda naman effect sa buhok ko.. Malambot siya. Hinahalo ko lang sa conditioner ko tas mix lang tas pahid.. Babad lang ng 3 minutes at banlaw na.. Thumps up po ako sa consuka....
hala ako 30 mins ko binabad hahahahaha yun kasi yung sinabi sa akin ng friend ko hahaha
Tamad kasi ako mag babad ng buhok ng consuka.. Pero OK Yun.. 30mins
ako ginawa ko before kumain tapos after kumain naligo na ako para saktong sakto. haha
Sis gusto ko to hahaha. Gusto kong itry to matagal na kaso wala akong free time eh parang napaka busy ko nang tao haha. Anw, pwede ba to sa preggy sis? gusto ko na talaga siya i try eh para naman gumanda naman ng kaonti yung hair ko hahaha reply sis kung pwede ha. Update kita agad about dito hehe salamatsss
di ako sure sis eh. nakaktakot magsabi na pwede tapos hindi pala. pagka panganak mo nalang kaya sis hahahaha... nakakatakot eh...
Oo nga eh kahit ako natatakot mag try ng mga ganyan hahaha pag ka anak ko malang para safe pa ako pati ang baby boy ko hehe kaso matagal tagal oa bago komagawa yan sis kasi mag paoa breast feed pa ako, bawal pa ako sa mga chemical haha
oo nga eh. mas maganda ma magingat para sa kapakanan ni baby. si baby anglaging first hehe
Oo sis hahaha sagety ni lagi daoat ang unahin lalo na kapag lumabas na si baby boy ko hehe nakaka excite po
oo sis kapag may anak ka na lagi mo na iisipin kapakanan ng anak mo kesa sayo. ultimo buhay mo iisipin mo na dapat tumagal pa para sa anak mo
Wow ngayon ko lang nalaman na pwede palan yung ganito. Matry nga kay mama. Si mama kasi gusto niyang magpa rebond sana kaso allergy siya sa mga gamot na related sa buhok nagsusugat yung anit tsaka skin niya kapag nalagyan ng mga gamot na yan kaya di siya makapagparebond kahit gustong gusto niya. Salamat dito at nalaman ko na may alternative naman pala. Ikukwento ko to mamaya kay mama.
oo try mo.. natry ko na siya maganda siya sa buhok. yung creamsilk na pink ang ginamit ko. apat na sachet nagamitko kasi yung buhok ko hanggang lagpas pwetan na haha. dapat kasi soaked ang buhok sa solution. i mean dpat lahat malagyan..
ah okay po. Salamat. Itry namin to mamaya.
mas maganda sis bago maligo para diretso ligo na. hahaha