Broken family

0 14
Avatar for Jaymayla
3 years ago
Topics: Story, Personal, Hope

Ako so Jaymayla 8 taon ako ng mag hiwalay ang aking mama at papa noon ay kahit Alam na ng aking mama na may babae si papa ay hinahayaan nalang Ito palagi ni mama, I pinagtataka ko kung bakit hinahayaan Lang ni mama si papa, sa pa ulit ulit na ginagawa ni papa hanggang sa ako ay maging 10 taon na, Nung una umuuwi pa si papa at nag bibigay ng pera Kay mama pero hindi kabilogan na sweldo niya, at ang sabi sakin ni mama pabayaan nalang natin siya basta ang importante buo ang pamilya.

At ang sabi ko kay mama ay galit ako Kay papa dahil sa ginagawa niyang kasalanan sa Amin ni mama, gusto kong tanungin si tatay kung hindi niya ba kami Mahal ni mama, dahil nagagawa niyang mag hanap ng ibang babae na kahit marami kaming mga anak niya kay mama, walang masabi saakin ang aking nanay dahil sa mga nasabi ko, at dahil ako ang laging kasama ni mama kahit saan Lugar siya pumunta, noon na akoy nag aaral at sa skwelahan ay may mga meeting na kaylangan papa ang pumunta at Kung Hindi naman papa ay mga mama, at nag sabi ang aming teacher na sa darating na Father's day ay kaylangan dalhin ang aming mga papa sa skwelahan, at pag uwi ko ng bahay sinabihan ko kaagad si mama, na pupuntahan ko si papa dahil sasabihin kona umattend siya ng Father's day, at pinuntahan Kona Ang aking papa at sinabihan, at siya nman ay pumayag at nung dumating na ang araw na yun, akoy nag hinhintay na dumating ang aking papa ngunit kahit anino ng aking papa Hindi ko nakita, at Doon nako sinimulang asarin at pag tawanan ng mga kaklase ko at sinasabihan Nila ako na ako ay Walang tatay, Kay sa patulan ko sila, iniisip ko nalang na darating din si papa, at Sabi ko sa kanila ay mataas na lalaki ang papa ko at Malaki ang katawan, palagi kong pinag mamalaki sakanila na may papa ako.

Pag tapos ng celebration na yun agad akong pumunta sa bahay ng aking papa dahil ito ay malapit Lang sa akin pinapasukang paaralan

At minsan ay doon ako kumakain pang umagahan, at pag dating ko sa bahay ng aking papa ay nandoon pala ang pangalawang babae ng aking papa at ang kanyang pangalan ay sheryl at sinabi Niya sakin na Wala daw si papa dahil si papa daw ay nag trabaho!

itinulak ko ang pinto, dahil ayaw Niya akong pag buksan, itinulak ko kase naiisip ko na baka nag sisinungaling Lang siya sakin, at pag bukas ko ng pinto nakita ko si papa na natutulog at pumunta agad ako sa tabi Niya para gusingin siya, at yayain na kumain at para akoy makahingi nadin ng baon ko para bukas, at sinabihan ako ng aking papa na kumain nako at agad Niya akong binigyan ng pera, at pag tapos Kung kumain ako ay umuwi na sa aking tunay na mama.

Binilisan kung umuwi para ma I kwento ko ang ng yari sa aking mama, nang akoy marating sa aming bahay I kwenento ko Kay mama ang nangyari sabi ko sa aking nanay na tinatago ni sheryl si papa sa akin? At Sabi saakin ng aking mama ay baka napapagod Lang si papa Kaya itinatago ng babae ni papa, at kaya Sabi ko sa aking mama ay Hindi na ako lagi pupunta kay papa hanggang makalipas ang taon, pinuntahan ko na ulit ang aking tatay na para sabihin na malapit na akong mag tapoa ng grade 6 Kaya nakiusap ako sakanya na baka pwede siyang pumunta sa araw ng graduation ko na para siya ang mag sabit ng mga medals ko at mag bigay ng certification ko para sa aking pag tatapos ng elementary.

Dumating ang araw ng aking graduation at ako ay pumunta sa parlor para mag pa ayos ng buhok at mag pa make up habang ang aking mama Naman ay nag luluto para sa Amin pag uwi dahil meron kaunting pagsasaluhan, Hindi ko maisip na sobrang preparation ng akin mama para sa aking graduation, at hinanap ko si mama dahil kaylangan naming pumunta ng maaga sa skwelahan Ng maaga para sa pag pila ng mag tatapos, at parin ang naka pila mag isa, hinanap ko si nanay kase akala ko iniwan Niya na ako pero Hindi pala, at ako ay umupo na at nakikinig sa ibang student sa unang grado, at habang ako nag aantay sa pag dating ni papa, halos hindi ko ma paliwanag ang muka ng aking mama dahil sa lungkot Niya dahil minsan ko Lang daw maranasan Ang pag tatapos pero Hindi man Lang dumating si papa na para sa kahiligan ko. Si Mary joy ang aking best friend at si anne Ang laging ng papa gaan ng loob ko at pinapayuhan ako nag mag pasalamat nalang daw ako dahil may nanay ako na Mahal na Mahal ako at laging nasa tabi ko, Nung una Sobrang galit na galit ako at umiiyak dahil Kung Sino pa yung taong gusto kong makasama siya pa yung Wala lagi para sayo.

At tinatanong ko si mama pag Hindi dumating si papa, at iyak Lang ako ng iyak, at napangiti nalang ako sa sinasabi sakin ni mama na Mahal na Mahal Niya ako, na pupunoan Niya ng pagmamahal na Hindi Kaya ibigay ng papa ko saakin at niyakap na agad ako ni mama, at kahit ako ay naiiyak parin at na mumugto sa galit ang aking mga mata nandyan parin si mama para supportahan ako.

At nag pa kuha kami ng litrato ni mama habang niyayakap Niya ako, habang nasa gitna kami ng seremonya sa pagtatapos namin ng pag aaral sa elementarya.

Pag tapos ko mag graduate sa elementary, nag patuloy Lang kami ni mama para mabuhay tatlong buwan na bakasyon kona nag bebenta parin kami ng mga gulay at prutas sa palenke, tinutulugan ko siya sa pag benta dahil ako 11 palang naman, lagi akong sinasabihan ng mga bumili sa mama ko na Kung bakit daw ang Bata kopa pero tinutulungan Kona mag benta Yung mama ko, sagot ko naman ay tinutulugan ko siya dahil ayaw ko mahirapan siya at mapagod Kaka trabaho, isang araw Nakita ko na kasama Niya yung pangatlong babae niya, na parang binabalak din nila mag tinda sa tapat ng pinag titindahan namin, Sabi ng mama ko ay pabayaan nalang, pero kinausap ko yung papa ko at sinabihan siya na ganyan ba gusto mo balewalain kami ni mama kahit nakikita mong nahihirapan kami, papa naman familya niyo rin kami, Sana samin nlang kayo sumama, kasama mo pa yang babae mo mag benta, habang yung mama ko ay patuloy Lang sa pag tinda, nagiging mabait parin siya, Kaya napapa tanong ako sa sarili ko kung bakit napaka bait niya parin Kay papa at Lalo na sa babae ni papa.

Pag lipas ng isang buwan Hindi na nag titinda sa harapan ng tindahan namin sila papa doon na sila nag titinda ni papa sa kung saan nakatira Yung kinasama niyang babae Niya, nung kasalukuyan ang mama ko ay nag kasakit at Hindi ako masyadong nag alala Kasi akala ko simpleng sakit Lang at trangkaso, at noong Nakita Kona siya na sumuka nang dugo Doon nako nag simula na imiyak at binigyan ko siya ng towel, at Sabi ko pupuntahan ko si ate ayaw ko na nahihirapan ka, at inantay ko si ate hanggang makauwi ate ko na si nanay nag kakasakit tapos ilang araw nadin pala siya nag susuka ng dugo Hindi Niya Lang sinasabi saatin

At iyak ng iyak ang ate ko at dinala na nila si mama sa hospital ilang oras na Ang naka lipas Wala pa akong alam dahil Hindi ako nakasama sa hospital dahil bawal daw Kasi yung mga Bata doon, Kasi baka daw mahawa ako Ng mga Kung Anu anung sakit Doon, at nag aantay Lang ako sa ate KO hanggang makauwi siya ng bahay at para malaman ko Kung kamusta na ang aking mama, Ang dami kong tinatanong sa sarili ko na Kung sinu pa Yung Walang ginagawang kasalanat at nagiging mabait sa mga Tao at mapagalagang nanay siya pa ang nahihirapan ngayon, Isa O dalawang linggo na si mama sa hospital, habang ako patuloy na nag titinda para maka tulong pa ako sa kanila at Hindi ako maging pabigat, kinakaya ko Hindi matulog para mag kapera at maka bayad kami sa hospital at para Rin sa MGA pangangailangan, alam ko na madami kami na mag kakapatid kaso sila ay may mga pamilya na Kaya anim Lang kami na pinag tataguyod ni mama, pero kahit ganon lumalaban kami para Kay mama.

Naka lipas ang mga ilang araw ay gumaling na si mama at Sobrang saya namin na nakauwi na siya, at kina usap Niya ako na siya saw ay gusto na bumalik sa pag bebenta sa palenke, syempre ako na anak niya Ang mag aalaga sa kanya at aalalay sa kanya, ng kami ay nag lalakad pa punta ng sakayan habang papunta kami dun nag uusap Lang kami ng bag uusap at nagulat ako sa bigla Niya akong sinabihan na, Mahal na Mahal ko kayo ng mga kapatid mo na kahit Wala na ang tatay niyo ay mahalin niyo parin siya dahil kahit anong gawin ay siya parin Ang tatay niyo at lagi mong mahalin mga kapatid mo at wag kayo mag aaway away lagi kayong mag tulungan wag mong kalimutan mga sinabi ko anak.

Makalipas Ang isang taon ay mag papasukan na ulit, naisip ko na hindi ko kayang I enrolled sarili dahil Wala akong birth certificate. At umalis kami para hanapin Yung birth ko Kung San ako pinanganak kaso Wala daw pangalan ko, Kaya napaiyak ako dahil sabi ko sa sarili ko hanggang ganito nalang ba talaga ako, buti nalang nanjan si mama palagi para sakin para mag pagaan ng. Loob ko, Sabi ko Kay mama na titigil muna ako ngayong taon para tulungan nalang po Kayo mag tinda.

1
$ 0.00
Avatar for Jaymayla
3 years ago
Topics: Story, Personal, Hope

Comments