Sunday gala February 27 2022 7:27 pm Kuwait Maligayang araw ng Linggo sa inyo.dahil holiday pa din dito asahan na di talaga matatali sa bahay ang aking mga amo at alaga. Pag kasabi ng aking amo na mag bihis kayo at tayo ay may pupuntahan,so nag palit agad kaming tatlo ng alaga ko ng damit pang lakad. Napaka ganda ng panahon kasi Di na malamig at Di din mainiit kaya feel mo talaga gumala Di masakit sa ulo.at doon kame nakaabot sa Marina mall.para mamili ng gamit ng aking mga alaga at amo sa kanilang swimming lesson oo kasali din doon ang amo ko para mamayat sobra kasing taba kaya tatlo sila na aking binabantayan .ang sarap sana mamimili kaya lang ang mamahal ng presyo.pero sa kanila okey lang kasi marami naman silang pera.pero ako nanghihinayang gumastos.kaya hanggang window shopping na lang muna ako.at saka Di ko din naman kailangan ang mga ayan. May nagustuhan sana ako na watch water proof siya kaya lang may kamahalan tapos Di ko din naman maisusuot palagi.naisip ko nga na ang isa ko pang relo ay nasa bag ko lang at Di naman naisusuot medyo nagandahan lang ako,kaya deadma ko na lang siya kasi tag 6kd sayang nasa 1k din yon.
Marami silang nabili mga goggles at support at swimsuit kasi nag palit na sila at nag rereklamo na ang alaga ko na maliit na daw sa kanila. Kaya binilhan na lang din sila ng tatay nila . At habang nag iikot ikot kame sa shop kasi ,puro pang sport siya may mga pang exercise ang mga alaga ko ay nag sipag laro muna.ito sana Yong masarap gamitin para mag papayat pero grabe ka mahal.try ko nga gamitin Yong para ka lang nag lalakad.pero sa may mga pera lang yon,Yong kayang mag bayad pang gym kaya mag walking na lang ako dito sa amin wala pang bayad hehhe.pero ang sarap niya gamitin kasi may nakalagay kung ilang kilometro na ba Yong nalakad monat ilang calories Yong nawala sayo.basta ganyon yon heheh.at least naka try ako haha
Nag ikot ikot pa din kami sa mall hanggang nakakita ng tindahan ng popcorn pinilhan kame ng amo ko.masarap siya kasi Di siya kagaya ng popcorn na niluluto ko sa bahay.may flavor ibat iba ang aming pinili ay popcorn caramel with nuts.sarap niya sure na magugustuhan nyo din siya.tapos pauwi na sana kame sa aming bahay kaya lang dumaan pa sa Park pero katabi lang ito ng building na aming tinitirahan.
Nag laro pa ang dalawang bata syempre kasama ako taga bantay alam nyo nan ang papel ng yaya kahit malalaki na yang mga ayan ay binabantayan ko pa din kasi minsan makulit at napapaway or inaaway.kanina nga eh naawa ako doon sa batang babae maliit pa siya siguro mga 3 taon pa lang.noong nag slide siya nasundan naman ng alaga kung lalaki eh medyo mataba nadag anan ng aking alaga .grabe ang iyak ng bata kaya aking itinayo hawak hawak niya Yong braso niya sige siya iyak medyo aking iginalaw galaw Yong braso niya kasi para talagang nabalian tapos ibinigay ko doon sa nanay.walang tigil ng iyak Yong bata kaya sabi ko sa nanay mas mabuti na ipa xray niya pasa sigurado.naawa talaga ako Di ko naman masisi ang alaga ko kasi nag lalaro sila .pero pinag sabihan ko siya na mag dahan dahan pag may mga maliit na bata hanggang umuwi na Yong mag iina at punta daw sila ng hospital para patingnan ang bata.ang accidents talaga minsan Di mo inaasahan na darating. ==== May isa pa pala akong e share pag open ko sa aking opensea meron akong bagong Nft ewan kung saan galing nakita ko lang siya sa hide matagal nq akong di nakaka pag twitter or baka galing siguito sa cryptobasurero last week na nag bigay ako ng aking Wallet address. minsan mas okey pa nga sa page mag lapag ng wallet naka apat ja ako dito sa page.
Parang ang dami ko ng kwento pasensiya na po sa aking boring na article .Maraming salamat po sa pag basa. All the photos are mine. Love Jay997
19 comments
Wow naman....korek ka sis, dapat talaga hindi mo iaalis ang mga mata sa alaga lalo kung nasa ganyang lugar..baka ba mamaya eh sinapak na pala ng ibang bata..naku po!.. Speaking of googles, kaka check out ko lang din sa lazada kanina..hehe..binilhan ko yung mga anak ko kasi plano namin magswimming sa saturday.
Ay oo kagabi nga eh kinuwelyuhan ng isang bata qng alaga ko ,Baku nilapitan ko nga at pinag sabihan. Ay oo masarap mag swimming pag may goggles sis .Happy naman mga kiddos mo na yan sa swimming nyo
Buti sis di nagsumbong sa magulang nya yung bata nung pinagsabihan mo?
Hindi naman nag sumbong sis kasi mali naman siya eh
Mabuti naman sis
Buti at nakapagpasyal kayu sis ,magamda din yan lalo na sa mga bata na hindi lang sa loob ng bahay ang laging nakikita.
Oo malimit kame lumabas sis ,oo nga mahirap din naman pag kulong palagi sa bahay
*Dami mo ng NFT sis, ako di ko pa na check yung opensea ko ulit. Try ko tingnan mamaya kasi sumali ako sa May airdrop minsan sa Twitter at saka yung sa Facebook page baka May nareceive ako*
Oo sis naka limana ako ,meron ka doon sis kung sinundan mo Yong ipinapasa ko sayo sa fb
*Oo sis, nagpasa man ako ng address dun sa FB. Try ko check mamaya kung May nadagdag sa NFT ko*
Check mo sis meron din yon bka may tatay digong ka din at binance
Ang Dame nyo pong pinantahan sis muka namn ping nag enjoy ang mga bata at ang gganda po ng mga relo
Oo sis nag enjoy sila maganda bga siya kaya lang medyo mahal
Wawa nmn Yung bata sis bka nabalian nga no. Di ko pa nacheck meta ko bka may bigay sa akin ksi naglapag ako ng addy ko don.
Oo sis kawawa mukha talagang nabalian sis ,eh check mo sis
Ang saya niyo sis. Ang enjoy ng day mo. Ang sarap mag window shopping sis, pera nalang kulang. 😁 Pag may pera lang sis nuh, bilhin natin kung ano magustuhan natin kaso masakit sa bulsa. 😅
Enjoy sila hapon na kame nakauwi,kaya nga mahal medyo mabigat sa bulsa
Oo sis. Sarap naman nun sis gala lang. 🥰❤️ Haha oo sis totoo yan. 😅
Ganyan din aq dati, kapag isama aq ng amo ko hanggang window shopping lang talaga kasi ang mamahal subra,ahehe.