Kaganapan kahapon unang araw ng Ramadan
Hello muli akong nag babalik mga friends, nawala na naman ako kahapon ,sapagkat nag simula na ang Ramadan at totoong unliwork ako kahapon na parang Robot.
Ano ang aking mga ginawa
Umaga pa lang pag gising ko bumungad na ang isang katerbang hugasin sa kusina .sapagkat kumain sila noong madaling araw sila ang nag handa sa kanilang sarili .bago sila natulog sila muna ay kumain ng sapagkat simula na ng kanilang fasting.
Matapos kung Malins ang kusina inihanda ko naman ang sala.inilagay ko na ang mga kakailanganin para sa mga sweet tea at coffee, tea pot at coffee machine para hindi ako mayat maya mag gagawa ,pero di pa din naiwasan na mag paģawa kasi ibang klase na coffee Yong gusto nila .
Aking mga niluto
Ang una kung ginawa ay ang juice na Amaradin ,apricot na concentrated pinakuluan ko at saka binelender.at aking inilagay sa refrigerator para lumamig bago mag kainan,ang Amaradin ang pangunahin na inulin pag Ramadan at vimto,tamarin at marami pang iba
Nagsimula akong magluto ng mga alas dose ng tanghali.nag pakululo na ako ng tupa 3 kilong tupa ang aking pinakuluan.at habang nakasalang na sa apoy nag gaya na ako ng napakaraming sibuyas at bawang ,patatas para sa tupa.
Nag gawa din ako ng Goulash ,nag gisa ako ng giniling nilagyan ko lang siya ng pampalasa,gaya ng asin at paminta at cinnamon, at saka ko pinag layer layer ng lumpia wrapper sa tray ,kada isang layer ng lumpia wrapper ay pinapahuran ko ng butter , walong wrapper sa ilalim at saka ilagay ang ginisqng giniling at mag layer ulit ng wrapper pahiran ng butter kada layer, at hiwain na pareparehong sukat at Lagyan ng freshmilk bago ilagay sa oven.
Nag luto din ako ng molokhia,gumawa ng salata at nag gawa din ako ng atief para siyang empanada pero cheese ang kanyang laman at gumawa din ako ng syrup nito.
Unliwork
Akin ang luto akin din ang hugas Yong ramdam ko na Yong sakit ng aking buong kamay hanggang braso ,sapagkat nag luluto tapos mababasa kasi kailangan hugasan na lahat ng mga ginamit na pinaglutuan ,Yong sakit sa paa sa Pauliuli ko sa kusina 2 oven parehong may laman may nakasalang din sa kalan ,mag hahanda pa ng lamesa,di pa tapos ang aking pagluluto ramdam ko na Yong pagod ,na talagang napapadasal ako na bigyan ako ng lakas para ko magawa ang aking trabaho.
Bago nag alas sais tapos ng lahat ng aking niluto .at nailagay ko na sa lamesa,hanggang dumating ng lahat ng mga bisita.punong puno ang lamesa ng pagkain. At salamat matapos silang kumain ay nag pasalamat sila masarap daw,at least Yong pagod ko eh may rewards na salamat ,at nag kanya kanya sila dala ng kanilang pinag kainan sa kusina ,suguro kita nila na pagod na ako at sobrang dami ko ng linisin at hugasin.
Mula alas syete ng gabi hanggang alasdyes ako nag hugas ng mga pinggan at kaldero .umalis ang mga bisita bago mag alas dose ng gabi.sa sobrang pagod at sakit ng aking katawan uminom ako ng gamot para makatulog at salamat sa Diyos na nakabawi ulit ng lakas pagkagising sa umaga.
Di na ako nag luto kanina pangalawang araw ng Ramadan, sapagkat madaming natirang pagkain kahapon.at salamat din na jatapos na ang pangalawang araw ng Ramadan.
Hanggang dito na lamang po muna.di din ako nakakuwa ng nga photo sa aking niluto kahapon sapagkat ako ay pandalas sa trabaho.maraming salamat
Love
Jay997
April 4 2022
12:15 am
Kuwait
Magaling ka lang cguro magluto. Tapos, Yung nararamdaman mong pagoda nabigyan ng hustiya dahil nga nasasarapan Ang mga bisita mo.