Kumusta mga kapwa ko manunulat at mangbabasa?Ang isusulat ko ngayon ay mga pangyàyari Dito sa aming bahày.
Ang aking alaga na binata ay ilang araw ng masama ang pakiramdam , may lagnat ubo,sipon,sakit ng katawan ,tapos mababa din ang blood pressure niya,
Siya yong alaga ko na swimmer , masyadong masipag itong bata na ito habang nag aaral online nag training din ng swimming bukod pa ang kanyang gym.halos walang sapat na tulog at pahinga sapagkat Ang kanyang simula ng online ay 3am time Dito sa kuwait 8 am time naman sa Malaysia,doon Kasi Ang kanyang university,tapos sa hapon hanggang gabiy swimming at gym.
Siguro sa sobrang pagod bumigay Ang batang katawan niya. Ilang araw na niyang nararamdaman ang sintomas ng covid pero patuloy pa din sa kanyang mga ginagawa araw araw,nainom laang ng gamot pero parang di natalab yong mga iniinom niya.
Sabi ko sa kanyà mag pahinga ka huwag kanà muna mag attend ng gym or training mo sa swimming , palaging sagot ay malapit na Ang competition sa susunod na nabuwan,pati Ang amo kung lalaki ay ganon na din masama na din ang pakiramdam mga 2 ng araw ,pero patuloy pa din ang kaniyang trabaho.
Kahit ako kahapon ay may naramdaman na din na sama ng pakiramdam .kaya akoy medyo na tatakot Kasi nga di naman nakikita Ang virus na ayon ,pero sa pag iingat sana ay maiiwasan.uminom ako kagabi ng gamot bago natulog at sa awa ng Diyos ay medyo naging okey na din ang aking pakiramdam.
Kanina nag usap kame ng alaga ko at tinanong ko siya kung kumusta ang pakiramdam mo?di daw mabuti Ang sagot niya ,Ang sabi ko ay mag pa tingin kana ,Ang sagot sa akin ay Corona na daw talaga iyong kanyang nararamdaman,Ang di ko lng talaga mawari ay bakit itong amo ko ay kampanting kampanti , oo ng at doctor siya ng pharmacy may mga gamot kami na stock sa bahày pero iba pa din yong na chechek up.
Tanong ng alaga ko sa akin kanina kumusta ka ,Ang sagot Ko'y okey lang naman ako,maaga aKong nakatulog kagabi Kasi nga uminom ako ng gamot,Ang sabi naman niya maaga siyang nahiga pero di siya nakatulog agad sapagkat nahihirapan siya huminga masakit ang kanyang dibdib.ayon Ang sabi niya sa akin.akoy lubos na nag aalala sa aking alaga na ayon.
Sabi ko ay huwag kang mag training ngayon ,Ang sagot ay malapit na Ang aming competition ,kaya umalis pa din siya , sabagay okey laang naman sa kanyang mga magulang na parang di gaano nag aalala.
Pero pag uwi niya mamayang gabi galing sa kanyang training maawa kana laang talaga sa kanyang hitsura..di ko alam aanhin Ang mga award na ayan kung Ang kalusungan mo naman Ang nakasalalay.
Hanggang Dito na lamang po muna at ako din ay mag pahinga ng kaunti ang lakas ng katawan Ang aking puhunan kaya kailangan ko itong alagaan.
Maraming salamàt sa inyong PAg basa at salamat din sa aking mga sponsors na napaka supportive sa akin .
October 19 2021
4:32 pm kuwait
Love
Jay997
Take time to rest,, sana matutunan niya yun,, kasi iisa lang Ang katawan natin.