Bullying
#121
February 9 2022
1:20 pm
Kuwait
Magandang buhay mga kaibigan sana ang lahat ay ayos lang at masaya sa mga oras na ito.tagalugin ko na Lang po muna Kasi parang hirap na din mag isip eh.
Naranasan nyo na po ba Ang ma bully or lokuhin o awayin takutin sa school o kahit pa ng inyong mga kalaro ?naku ako ay palagi kung itong nararanasan noong maliit pa ako .may time pa nga na si inay ay punta sa school or kakausapin yong magulang ng bata na ng bully sa akin .Kasi nga palagi na lamang ng yayari.
Kahit nga ang anak ko ay nakaranas din ng ganitong problema ,napalagi siyang niloloko ng mga kaklase niya tapos napaka iyakin pa naman .kaya Minsan napapalo na lng siya ng asawa ko Kasi nga sinasabi ba huwag iiyak PAg niloloko chill lang pero palaging ganon Ang nangyayari . Hanggang sinabihan ko ang asawa ko na kausapin Ang teacher ayon nga daw na sobrang kukulit ng mga bata na ng loloko kung baga may bata talagang parang habbit na yatang mangloko.kaya nag desisyon kame na lumipat ng school kaysa makahalubilo palagi Ang ganon uri ng bata.ikaw na Lang yong gagawa ng paraan para umiwas .
Kahit Dito Ang alaga kung kambal na babae ay nakaranas din ng pang bubully ng kaniyang mga kaklase na babae,sa akin siya nag susumbong araw araw na ayaw daw sa kanyĆ ng mga kaklase niya na babae Kasi may bigote eh babae siya tapos may bigote,maganda Ang aking alaga pero mabalbon ,Dito sa kanilang cultura Ang babae kailang ay walang balahibo ,pero ano Ang gagawin eh bata pa siya ,araw araw ganon Ang nangyayari kung Minsan na nasa bus pa lang Ang susunduin ko siya ay nagsusumbong na at naiyak na agad.
Kinakausap ko yong batang babae na huwag niya tuksuhin Kasi masama yon .na oo lang naman yong bata .pero sa susunod na araw ay ganon na naman Ang nangyayari.pero hindi nag susumbong Ang alaga ko sa kanyang Ina .noong sumunod na araw PAg kuha ko ulit sa bus umiiyak na naman Ang alaga ko kaya sinabi ko na sa amo ko na Ang anak niya ay nakkaranas ng pang bubully sa School Kasi Minsan umaapekto din yan sa isip ng bata naging magagalitin at nawawalan din ng confident sa Sarili.
Nito lang huling araw PAg sundo ko ulit sa kanila grabe na yong iyak niya Kasi inaway naman siya noong tatlo na bata, pinapalo pa siya ng lunch box sa ulo.Hanggang kinausap ko na yong driver ng bus pati yong bata na sinabihan ko siya na kakausapin Ang teacher niya at parents niya medyo na takot.pag uwi namim tumawag Ang amo ko na nag iiyak pa din Ang alaga ko kaya nag desisyon siya na sumama sa akin sa pag hahatid sa umaga para kausapin yong bata.kasi palagi na Lang inuulit at sinabihan siya ng amo ko na kapag inulit pa niya yon ay ipapatawag na niya Ang kanyang Ina.
Alam nyo ba para di na siya tuksuhin na may bigote siya ipina Lazer ng amo ko Ang kanyang bigote pero di pa dapat Kasi nga masyado pa siyang bata.ayaw naman daw niya na palagi na Lang tinutukso Ang anak niya ,dati daw ganon din siya palaging tinutokso dahil sa bigote niya.kaya gagawan mo na Lang talaga ng paraan para makaiwas sa pang bubully.
Kayo ba nakaranas din na mabully sa noong kabataan nyo? O mga anak nyo ?
Maraming salamat sa pag basa.at madami ding salamat sa lahat ng mga sponsors ko na nag renew salamat po sa tiwala .pati na din sa aking mga readers. Thank you and God bless.
Love
Jay997
Bullying happens almost everywhere and sometimes, we are not even aware of it. Nakaka-sad din lalo na kung sobra ang naging epekto sa mga bata