Tula Para Kay Ama

0 17
Avatar for Jas0830
3 years ago
Topics: Poem

Ngayo'y dumating ang isang pagkakataon

Na labis na lungkot sa loob ng maraming taon

Hindi ko man inaasahan na mangyayari iyon

Hinagpis at luha ko'y itinuon

Ang pagkawala mo'y parang pagkawala ng lahat

Nang dahil doon damdamin ay hindi masalat

Iyak na parang katapusan na ng lahat

Sa isang pamilyang damdamin ay sobrang bigat

Ang buhay mo'y parang isang kandila

Isang ihip ko lamang pala ay maaari ka nang mawala

Kaming pamilya mo'y lubos ang pagkabigla

Minuto lamang pala ay maaari ka nang mawala

Buhay mo'y tinuldukan lamang ng tao

Walang pusong namumuhay dito sa mundo

At kung bakit sa anong dahilan ay ginawa nila ito sa iyo

Wala kaming ibang makita kundi ang kabutihan mo

Bagamat nawala man ang isa

Pinipilit magpakatatag para sa pamilya

Pipiliin pa rin na maging masaya

Sapagkat marami namang naiwang ala-ala

Ang buhay mo'y naging sanhi ng kalbaryo

Lungkot at luha'y sumasaiyo

Kahit mahirap man ang nararanasan mo

Hiling ko'y maayos ka saanmang dako

Lahat ng tao'y namamatay at nawawala

Higit sa ating kaalaman ay huwag na tayong mabigla

Hindi tayo nabuhay para hindi mawala

Bagkus gawin na lamang natin ang nararapat at tama

Isang paalam ang nais sambitin

Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin

O paalam ama

Nawa'y pumayapa ka pa rin

Lead image credits to

https://www.google.com/search?q=father+who+are+being+murdered+clip+art+background&tbm=isch&ved=2ahUKEwi9juXghfjvAhXJAaYKHdw0C3wQ2-cCegQIABAC&oq=father+who+are+being+murdered+clip+art+background&gs_lcp=ChJtb2JpbGUtZ3dzLXdpei1pbWcQAzIECB4QCjoECCMQJ1DvigFY7psBYMWiAWgAcAB4AIABjwOIAeMLkgEHNy4zLjAuMZgBAKABAcABAQ&sclient=mobile-gws-wiz-img&ei=J-RzYP3eFMmDmAXc6azgBw&bih=630&biw=360&client=ms-android-oppo&prmd=ivn#imgrc=Pw4bknUU-lyq1M

0
$ 0.00
Avatar for Jas0830
3 years ago
Topics: Poem

Comments