Tok! Tok! Tok! tatlong malalakas na katok mula sa di kalayuan ang nagpamulat sa aking mga mata kasabay nang pag-agos ng mga luha na tila nagbadya ng unti-unti kong labis na kalungkutan.
Naalala ko pa noong buwan ng Enero taong 2017 kung paano ko narinig mula sa pintuan ang tatlong malalakas na katok kasunod nang pagsambit na wala na siya, wala ka ng ama. Oo, tama wala na. Wala ka na. Wala na yung taong handang mag-alaga, sumuporta at kumalinga. Hindi mo na nakita kung paano ko suklian ang mga kabutihang ginawa mo para sa pamilya. Ang buhay mo'y parang isang kandila na isang ihip ko lamang pala ay maaari ka nang mawala. Labis labis na nadurog ang aking puso't nagdulot ng matinding kapighatian nang malaman kong winakasan ang iyong buhay na tulad ng isang hayop lamang. Lumubog ako sa aking kinauupuan at humagulgol ng walang katapusan nang sambiting tadtad ng bala ang iyong buong katawan at gayon na lamang ang pagdanak ng dugo sa daan na animo'y luhang nag-uunahan sa paglabas. Ang pangyayaring iyon ang maituturing kong pinakamasalimuot at pinakamasakit na depresyong naranasan ko sa aking buhay. Ito'y nagdulot ng kaba, takot, galit at kapighatian na hindi lamang basta basta pagdaraanan. Tila ito'y isang bangungot na kailanman ay hindi na muling mababago pa.
Lahat ng tao ay maaaring makaranas ng depresyon sa buhay lalo na kung ang tao ay marupok pagdating sa mga problema. Subalit kung ang tao'y mananatiling matatag sa kanyang sarili at makahahanap ng mga paraan upang mapagtagumpayan anuman ang pinagdaraanan ay tiyak na ito'y malalampasan basta't patuloy lamang ang pananampalataya sa Panginoon. Tok! Tok! Tok! Kapit lang bes.
bigla n nman tumulo yung luha ko nung binasa ko yan😭 parang bumalik n naman lahat😭naalala ko si tatay😞😢