Personal Experience

0 12
Avatar for Jano14
Written by
3 years ago

When I was in college, nagstay ako sa isang boarding house dahil malayo ang bahay namin sa university na pinapasukan ko. Apat ang kwarto sa boarding house– 3 na nakahilera at isang nakahiwalay. Doon ako pina-stay sa nakahiwalay na room kasi puno na ang lahat ng rooms. Ako lang mag-isa sa room na 'yun which is gusto ko naman kasi may privacy. Hindi naman creepy 'yung boarding house at comfortable naman ako. Until one morning, nagkwento ang mga nasa room 3 na niyugyog daw ang bed nila. Akala nila may lindol pero hindi naman nagreklamo ang ibang boarders. Dalawa lang silang nakaramdam n'un.

After few weeks, nawala na sa isip namin ang nangyari kasi hindi na rin napag-usapan. Isang gabi, tapos na kami kumain lahat. Usually sabay kami kumakain kasi may malaking dining table sa may sala. Lahat kami ay nasa rooms na namin, locked na rin ang main door pati ang back door. Then, may narinig kaming (positive na narinig namin kasi napag-usapan namin kinaumagahan) kumatok sa pintuan ng isa sa mga rooms. Actually, hindi ko talaga narinig kasi naka-headphones ako pero mahina lang ang volume kasi nagbabasa ako ng e-book.

Tok tok tok...

"Sino 'yan?" tanong ng isang boardmate namin na taga Room 1 pero walang sumagot.

After few minutes, may kumatok ulit. This time sa room 2 na. Nagtanong ulit ang boardmate namin pero wala pa ring sumagot.

Nagtaka na ako kung bakit dalawang beses nang may nagtanong ng "Sino 'yan?" pero wala namang sumasagot kaya in-off ko ang music.

Then narinig ko na may kumatok sa pinto ng room 3. Alam kong room 3 kasi 'yun ang pinakamalapit sa room ko.

"Leigh, ikaw ba 'yan?" tanong ng isa kong boardmate. Akala niya ako ang kumatok.

"Ha? Hindi, a. Andito ako sa room ko," sagot ko naman. Medyo kinakabahan na ako nun kasi room ko na lang ang hindi kinakatok.

"E, sino 'yan? Ano ba? Kanina ka pa, a!" sigaw niya. Pero wala pa ring sumasagot.

"Guys, labas tayong lahat. Kinakabahan na ako," yaya ng isa kong boardmate na taga room 2.

Lumabas kaming lahat at nagtaka kami dahil wala namang tao sa sala. Pinuntahan namin sa kusina pero wala ring tao. Kahit sa CR, wala rin. Locked pa rin ang main door at back door.

That night, napagpasyahan kong makitulog sa room 1 dahil alam kong babalutin lang ako ng takot kung dun ako matutulog sa room ko.

Thank you for reading.

1
$ 0.00
Avatar for Jano14
Written by
3 years ago

Comments