Lumipas pa ang taon, eto na. Dumating sa store ang coor ko at kailangan na akong ilipat ng outlet. After 3 years ko sa Angono, nakaramdam ako ng takot, lungkot at tuwa. Takot dahil sa pangangamba kung may makakasundo ako sa panibangong outlet, lungkot dahil maiiwan ko ang isa sa pinaka masayang outlet at mga kaibigan(kaibigan lang promise haha!) at saya dahil sa SMCo Morong ako malilipat, kasi malapit lang ang Bahay dito.
1st day sa outlet, sabak agad ng closing. Sabagay kahit naman sa angono baon na ako sa closing na sched. Mas gusto kong umuwi ng late kesa gumising ng maaga, so ayun na nga. Medyo nanibago ako kasi medyo matumal ang customers dito kumpara sa iniwan kong outlet. Lumipas ang mga oras, oras na ng uwian. At bago mag out ay nagaganap ang peptalk ng visor sa gabing yun. Tulad ng inaasahan ko, di ako naka ligtas sa pag tatalent haha!
Lumipas pa ang mga araw, naging okay lang lahat! Nag karoon ako ng mga bagong kaibigan. Naramdaman ko ulit yung kagaya ng pag welcome sakin sa Angono, yung masayang asaran sa loob ng warehouse at maging sa selling.
Bwan pa ang lumipas, dito ko na nakita sa unang pag kakataon si Anne. Isa syang tenant sa mall, sales rep. sya sa Affiscionado. Unang kita ko palang sa kanya ay talagang nasabi ko sa sarili kong "Di ako papayag na maging mag kaibigan lang kami nito." naging customer ko sya dahil sa salad na binebenta sa loob ng store, hanggang sa inadd ko na sya sa facebook at nag simulang nag kachat. (sya ay asawa ko na ngayon.)
Balik sa kwento, araw ng byernes. Close na ang store, nag aayos at nag didisplay na kaming lahat ng kanya kanyang handle na items. Display dito forward don. Di pa din nawawala yung kulitan hanggang sa.. Nakarinig kaming lahat ng isang napaka lakas na sigaw na nanggaling sa gilid ng coldroom.
Pinuntahan namin ito at nagulat kami sa aming nakita, nakaupo at naka yupyop ang isang bagger sa sulok. Umiiyak ito at tila takot na takot. "ano ang nangyari sayo?" tanong ng visor namin. "kasi po kumukuha ako ng supplies dito, pero pag buhat ko po ng isang bundle ng plastic bag. Nakita ko po yung isang ulo ng babae na naka tingin sakin, naka ngiti pa nga po eh. Nakakatakot po talaga kaya nanakbo po ako palabas ng kwarto kung saan naka lagay ang mga supplies pero kita ko pa din po sya kaya napasigaw na po ako at napa upo sa sobrang takot." sagot ng kawawang bagger. Saksi ako sa itsura ng bagger habang nag kwekwento saming lahat, namumutla at nanginginig ito sa sobrang takot.
Lumipas ang mga minuto, nag uwian na kaming lahat magibg ang bagger, pero kinikilabutan pa din kami sa mga nangyari.
Kinabukasan, di nakapasok yung bagger. Inaapoy daw ito ng lagnat.
Lumpas pa ang ilang linggo, nabalitaan naming hindi na kayang pumasok pa njng bagger. Nabalitaan din naming madalas na itong nag uusap mag isa at sumisigaw nalang bigla. Nag daaan pa ang mga araw at linggo, dumating samin ang balitang namatay na sya. Napaka saklap ng nangyari sa kanya, lahat ay nag luksa at natakot nangdahil dito. Simula nun ay wala nang mag isang pumapasok ng warehouse o kung saan man pag dating ng store close.