Nasa punto na ako na gusto ko ng sumuko. Pero, isang ngiti lang ng mga anak, nawalang lahat.

0 16
Avatar for Jane29
Written by
3 years ago

Alam mo ba yung salitang "sumuko"?.

Sumuko na sa buhay.

Bata pa lang ako, ang yangi ko lang kakampi ay ang nag alaga sa akin simula pagkasilang ang Lola ko.

Nag iisa lang akong bata dahil nagbubuntis pa lamang si mama sa akin ay iniwan na sya ng ama kong napaka irresponsable at babaero(akalain mo 1996 ako ipinanganak, yung anak nya sa ibang babae 1997 ipinanganak) ang dali nyang nakakita ng bagong babae.

Tangi kong kalaro noon ay ang mga kuting. Boring ang life ko, si lola kasi napaka over protective.

Nung nagkasakit si lola dinala na kami ng panganay niyang anak sa syudad para maalagaan sya ng husto.

Okay naman doon kina uncle, wala silang patakaran patungkol sa.kung ano man ang gawin mo sa bahay.

Pwede ka doon mag Tv buong araw, pwede ka dun kumuha kahit na anong husto mong kainin basta nasa loob ka lang ng bahay.

Akala nyo, swerte na ako dun? Oo swerte naman kaso may kulang ee.

Wala akong mga kaibigan sa lugar na iyon, ayaw akong palabasin o kaya ay makipaglaro sa mga kapitbahay.

Eskwelahan, Bakery store at bahay lang daily routine ko doon.

Nung, nakapundar na si mama galing sa ilang taong pagtatrabaho lumipat na din kami ng lugar.

Masasabi kong okay sana, kaso di ako pwede makipaglaro nalang sa mga kapitbahay namin.

Isa lang naging close friend ko.Sya yung sandalan ko sa tuwing may problema ako.

Alam ko hankung bakit gusto ko ng sumuko sa buhay? Sa tanang buhay ko, palagi nalang nila akong kinukumpara sa pinsan ko "kesyo, mabait, matulungin, masipag matalino, nasa pinsan ko na lahat". Di daw ako kasing galing ng pinsan ko.

Ginagawa ko naman ang lahat. Okay naman mga grado ko. Pero, ang mas tumatak sa aking isipan nung pinakita ko yung card ko sa school ay "ito lang? Wala akong ganitong marka noong high school ako, ang liit".

May time nga noon, high school na ako at may mga kaibigan na, since alam nilang di ako.pwedeng gumala sila na yung nag adjust at sila na sana ang pupunta sa bahay namin, kaso nalaman na naman ng strikto kong uncle, nagalit na naman sya.

Parang di ko na alam ang gagawin, parang sila na lang palagi ang nasusunod.

Simula kasing pumanaw na si lola, sunod sunod na yung pamamaliit nila sa akin. Hanggang sa nakilala ko na ang partner ko, dahil di ko na nakayanan ang mga masasakit nilang salita o pamamaliit, nagdesisyon ako na mag asawa nalang ng maaga.

Nagalit sila,oo.

Sinabihan nila ako ng masasakit na salita,oo.

Pero, wala na silang magagawa, desisyon ko e.

Aaminin ko, mahirap sa simula pero dahil pinapayuhan naman ako ng partner ko na ganito talaga.

Maraming problema at marami.pa rin ang mga taong gagawan at gagawan ka pa rin ng storyang ikasisira mo.

May mga tao pa ring masakit magsalita.

Nasa pinto na nga rin ako na gusto long sumuko sa buhay. Pero pag nakikita ko ang mga ngiti ng mga anak ko, nawawalang bigla ang mga pighati.

1
$ 0.00
Avatar for Jane29
Written by
3 years ago

Comments