Sana...

4 23
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

Minsan sa ating buhay, kailangan nating gumawa ng isang bagay labag sa ating kalooban. Na kelangan nating magsakripisyo para sa ating mga mahal sa buhay. Kahit na ito ay isang sakripisyo ng ating pansariling kaligayahan, sapagkat ito ang ating kapalaran.

Ang gusto ko sa buhay ay magtravel, maging masaya at malaya. Na magagawa ko ang lahat ng nais kong gawin. Ang iniisip ko ay walang iba kundi ang sarili ko lamang.

Ngunit hindi lahat nang oras na ang tadhana ay nakaayon sa ating kagustuhan. Dahil sa wala kang pagpipilian, kailangan mo itong sundin. At sa ating buhay mayroon tayong tinatawag na "responsibilidad". Kahit na hindi talaga para satin to, pero dahil sa ating konsensya, aangkin natin ang responsibilidad na to.

Iniisip ko na lang na, lahat ng bagay sa mundong ay may purpose. Na ang lahat ng ginawa ng Panginoon ay may kahulugan. At ang lahat ng ito ay nakatadhana para sa atin.

Ang inaasahan ko lang ay dumating ang oras na magagawa ko ang mga nais kong gawin. Na ang mga bagay na iyon ay para sa akin at hindi iniisip ang kapakanan ng iba.

Hindi naman siguro masama maging selfish. Lalo na kong pagod ka nang gumawa ng mga bagay na para sa iba. Hanggang kelan ako magiging responsible? Kelan kaya ako magiging malaya?

Sana totoo ang magic. Sana totoo ang fiction stories. Kung pwede lang, isusulat ko ang gusto kong story para sa sarili ko at ito'y magkakatotoo. Kagaya nang mga story sa fiction movies. Walang impossible.

I'm just full of "sana". Sana ganito, sana ganyan.

Alam kong lahat ay possible kung magtitiwala sa sarili. Pero sana, sana ganun ako ka faithful at strong minded. Kahit positive person ka pa, minsan sumusuko rin ang utak at katawan mo. Lahat tayo ay may weaknesses.

Ipagdarasal ko nalang, sana lahat nang sana ko ay magkatotoo.

5
$ 0.04
$ 0.04 from @TheRandomRewarder
Sponsors of Jane
empty
empty
empty

Comments

Gud one

$ 0.00
3 years ago

Thanks

$ 0.00
3 years ago

lahat ng mga ninanais mo sa buhay ay posibleng mangyari basta lagi mong sasamahan ng sipag at tiyaga at palagiang pag tawag at pananampalataya sa diyos.

$ 0.00
3 years ago

Salamat sa pagbasa at sa advise

$ 0.00
3 years ago