Mahirap maging mahirap. Yan kadalasan nakatatak sa isip ng karamihan. Pero hindi ba mas mahirap kung hindi mo sisikaping umangat? Habang buhay ka na lang ba mahirap? Habang buhay ka na lang ba aasa sa iba? Habang buhay ka na lang ba maghihintay sa benepisyo bigay ng gobyerno? Habang buhay ka na lang tatanggap ng tulong mula sa pamilya?
Kung ipinanganak kang mahirap, hindi mo kasalanan yun. Pero kung mamatay kang mahirap, yun ang pagkakamali mo.
Walang libre sa mundo. Kahit nga tubig na isang natural resource ay binibili parin natin.
Sa panahon ngayon kung hindi ka magsusumikap ay lalo kang malulugmok sa kinatatayuan mo.
Ang realidad ay talagang masaklap. Mga mayayaman lalong yumayaman. Mga mahihirap lalong naghihirap. Hahayaan mo nalang ba yun?
Kahit ganun pa man, madami na ring mahihirap na yumaman. Sipag at tiyaga lang ang formula para umangat sa buhay. Kung tatambay-tambay kalang, aba! huwag kang umasang bukas sa pag gising mo ay may perang tutubo sa higaan mo.
Kahit ang talino ngayon ay hindi isang dahilan para umangat sa buhay. Diskarte - yan ang mas importante. Kung matalino ka nga, may pinag-aralan, pero ayan tambay, walang trabaho ano tawag mo dun?
Okay lang sana kung tambay, pero may sideline. Kung tutuusin, madaming paraan para magkapera. Nasa sayo lang yun kung gagawin mo or hindi. Huwag pairalin ang katamaran, tapus mamaya ay puro reklamo.
Galaw-galaw kaibigan. Huwag puro asa. Huwag puro angal. Huwag pairalin ang bungaga, bagkos ay kumayod nang magkapera.
2
179
Baliktad na ngayon Yan, Ang mahihirap na ngayon Ang mayaman. Eh d kaya nga Po minsan nagoofer na Ng mga ganitong job online para sa mga tambay. May kaunting pagasa