Pangarap

3 14
Avatar for Jaez
Written by
2 years ago

Sino ba sa atin ang hindi nangarap? Sino sa atin ang hindi naghangad makamit ang isang bagay? Sa tingin ko lahat tayo ay nangangarap. Lahat tayo ay naghahangad ng isang masaganang buhay. Ng isang magandang buhay para sa ating pamilya. Ng isang masayang buhay. Ngunit hindi sa lahat ng pagkakataon ito ay ating nakakamit. Minsan tayo ay nabibigo at hindi nakukuha ang mga bagay na ating ninanais. Ang iba ay nanlulumo pag hindi nakamit ang kanilang mithiin ngunit ang iba naman ay ginagawa itong inspirasyon para lalo pa nilang pagbutihin at upang makamit nila ang kanilang mga pangarap. Alam kong sa una ay talagang mahirap pero kung tayo ay determinado at may inspirasyon siguradong tayo din ay magtatagumpay! Kaya sa mga taong nangangarap wag tayong mawalan ng pag-asa. Wag tayong manlumo sa mga unang pagkabigo bagkus gawin nating inspirasyon at sandata upang lalo pa nating pagbutihin ang ating laban diro sa mundong ibabaw. At lahat ng pagod natin sa huli ay ating aanihin ang tagumpay! At ang ating pinapangarap. Kaya wag tayong susuko. Lumaban tayo hanggang huli. Hanggang sa makamit natin ang ating mga PANGARAP! 🥰🥰

1
$ 0.02
$ 0.02 from @Sweetiepie

Comments

Tama ka dyan sissy kapag may pangarap tayo, wag basta basta sumuko, may tamang panahon ang lahat Welcome to read.cash sissy

$ 0.00
2 years ago

Thank you so much sissy. Laban lang para sa ating mga pangarap🤗

$ 0.00
2 years ago

Keep it up lang sissy, magbasabkabdin at comment sa iba para makilala ka din nila basta laban lang tau. Darating ang time makakamit natin ang reward ng ating sacrifice

$ 0.00
2 years ago