Baguhan Sa unang paglapag, may kaunting takot na itapak ang mga yabag. Baka magkamali at tuluyan ako ay maduwag. Sa lugar na bago, damdamin hindi ko maihayag. At baka may umaway at tuluyang mukha ko ay magkabasag-basag. Mahirap makisalamuha, kayhirap makibaka. Kapag baguhan hindi ka puwede agad-agad pumagitna. Baka sabihin, "Sino ka bang may bandanang may alintan?" "Wag kang pahara-hara, at baka ikaw ay tuluyang masipa!" Kapag ikaw ay isang baguhan, di ka dapat muna…