read.cash Log in
@JackofHeart more from that month

Baguhan

Sa unang paglapag, may kaunting takot na itapak ang mga yabag. Baka magkamali at tuluyan ako ay maduwag. Sa lugar na bago, damdamin hindi ko maihayag. At baka may umaway at tuluyang mukha ko ay magkabasag-basag. Mahirap makisalamuha, kayhirap makibaka. Kapag baguhan hindi ka puwede agad-agad pumagitna. Baka sabihin, "Sino ka bang may bandanang may alintan?" "Wag kang pahara-hara, at baka ikaw ay tuluyang masipa!" Kapag ikaw ay isang baguhan, di ka dapat muna magyabang. Lugar na napuntahan dapat iyo munang obserbahan. At kapag iyong natutunan na ang galawan, Saka ka na pumasok sa lahat ng may dalang paggalang.

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.