7 aspects of your life na dapat ready ka na, bago ka pumasok sa isang relasyon.
1. Spiritually ready..
Mahirap yung papasok ka na sa relasyon tapos spiritually immature ka at unprepared ka pa.
Ibig sabihin, magpaka onfire ka muna kay Lord.. Dapat mas strong ang spirituality mo kesa sa emotion mo. Mahirap na mawala ka sa init mo sa Panginoon dahil sa isang relasyon..
Mahirap yung masasakripisyo mo ang relasyon mo sa Panginoon dahil sa relasyon. Kaya be ready muna. Magpalakas muna kay Lord. Magpaka-mature muna.
2. Financially ready..
Yung ready ka na gumastos kapag nagdedate na kayo or kapag may celebration kayo may pang gifts ka na, may pangtravel na kayo.. It is also a sign of independent personality na kaya munang buhayin ang sarili mo at ang iba.. Nakakahiya lang na galing pa sa parents mo yung pinang gagastos mo sa relasyon niyo.
Nakakahiya din na puro one-sided lang ang gumagastos sayo. Kailangan give and take din. Believe it or not. Both should be financially capable. Makakabuti yan para sa inyo.
3. Emotionally ready..
Ready na ba sa emosyon mo.. Kapag nasa relasyon ka na, hindi lang puro kilig, mararamdaman mo rin minsan ang pain, may time minsan na paiiyakin ka rin, dapat ready ka na 'to handle' your emotion.
At kung may past hurt aches ka man sa previous relationship mo, make sure na naka move on ka na talaga, kasi magiging panira lang yang emotion na yan kapag nasa relasyon ka tapos mahal mo pa pala yung ex mo.
At hindi lang yan..
Minsan kelangan mo ring kontrolin ang emosyon mo na wag nang tumingun pa sa iba kapag nasa relasyon ka na. Guard your heart. Mahirap yun kung kanikanino ka nagkakagusto. Be mature enough emotionally.
4. Physically ready..
Nasa tamang edad ka na ba..
Mature ka na ba? Fully developed na ba ang mga organs mo. Baka may gatas ka pa rin sa labi.
'Wag yung nagaaral ka pa lang.. Hindi yung ang bata-bata mo pa puro ka puppy love. Yung dapat pagaaral muna pero paglalovelife ang inuuna. Grow up ka muna physically. Love life is for adults only!
5. Mentally ready..
Kaya mo na bang ihandle ang mga stress kapag nasa relasyon ka na. Minsan kasi hindi talaga maiiwasan, sasakit ang ulo mo sa mga flaws ng kapartner mo, kasi di naman siya perfect katulad mo, at may pag-aayawan at pag-aawayan kayo minsan sa isat-isa. You both should be mature enough to handle your relationship to agree to one another. Dapat ready na ang mga brain cells mo na maging patient, understanding, humble and be a better person. You should be ready to encounter your love relationship problems together.
Nakakabaliw ang relasyon, mababaliw ka talaga literal kapag di ka pa ready. Mental capacity and attitude matters. Kaya dapat ready ka na mentally.
6. Sexually ready..
Ito talaga inaabangan ng iba, but..
When I say sexually ready.. Kaya niyong magpigil sa sarili, bawal experiment and curiosity. Ang sex is designed between a married couple. It is designed by God only for husband and wife. It is a blessing para sa married couple. Pero destruction sa unmarried people. Hindi ka papasok sa isang relasyon dahil, gusto mo maexperience ang sex. Keep your purity. Do not compromise your purity dahil sa hindi ka na makapagpigil lalo na sa mga young people. Kung hindi ka pa makapagpigil it means you are not yet sexually ready. Being sexually ready means you have self control. And matututunan mo lang yun kapag palakasin mo pa lalo ang number one (1) mo - ang spiritual life mo.
7. Socially ready..
It means.. People around you is ready too for the both of you, especially your parents and spiritual parents.
We should honor them, dapat alam nila na nagliligawan kayo.. Hindi yung pasekre sikreto.
Sila yung maggaguide sa inyo para mas maging blessing ang relasyon niyo.
Also, hindi lahat ng tao magugustuhan ang relasyon niyo kaya dapat may ibang tao pa rin na mag-gaguide sa inyo. That is your spiritual parents and mentors. Hindi dapat against all odds ang relasyon. Settle na dapat ang dapat isettle. Kelangan hangga't maaari wala tayong taong naaapakan, sinasaktan, at nilalamangan dahil sa relasyon na yan. Sumunod sa tamang proseso. Ask you spiritual parents how.
Ang pagpasok sa relasyon dapat pinaghahandaan. Hindi dapat aksidente lang, hindi minadali lang, trip-trip lang o biglaan.
Kung gusto niyong maging stable at maayos ang relasyon niyo do your part in following this cheklist.
We are not talking about perfect person or perfect relationship here.
I am not promising a forever relationship once sinunod mo lahat ng checklist na ito.
But we are talking about long-lasting and worth-waiting relationship. A relationship that will be a blessing for God, for your self, for your partner and for the people around you.
inaabangan ko rin yun oh...hahaha respect for this article..needed to mabasa nang lahat