- ABUSIVE BA SIYA?
kung OO, huwag mo na ituloy pagbabasa. hiwalayan mo na agad. wala ng dahilan pa para ipagpatuloy mo relasyon ninyo.
- KNEE JERK REACTION
eto yung nag based ka lang sa instant reaction o sa emotion mo. kung OO, then think again. minsan kasi masyado lang tayo nagpapadala sa emosyon natin which is mali. so try mo ikalma sarili mo. composr yourself bago ka mag decide.
- SIYA BA TALAGA ANG PROBLEMA O MAY IBA PANG INVOLVED?
minsan kasi akala natin solusyon ang pakikipag hiwalay. minsan dumadating tayo sa point na bored na tayo sa relasyon natin o kaya naman may mga bagay na hindi umaayon sa gusto natin. kaya parang gusto natin "kumawala". kung yan ang dahilan, kausapin mo mabuti partner mo. address mo yung problema. minsan kasi masyado tayong naka focus lang sa nararamdaman natin. hindi natin iniisip kung " bored" din kaya partner natin. alam mo yun?
- MAS MATIMBANG NA BA ANG LUNGKOT KESA SA SAYA?
una sa lahat, walang relationship na 100% na masaya. worth it ba na bitawan mo mga happy times/memories ninyo?
- SINUBUKAN NINYO NA BA TALAGA I WORK OUT?
ang relasyon, nagtatagal yan kapag pareho kayong disidido na patagalin. hindi naman yan matic na mag work out. nagtatagal yan kasi pareho kayong sumusubok.
- SARILING DECISION MO BA YAN?
minsan kasi hindi maiwasan na may mga tao sa paligid natin na sulsol eh. pwede ding influence ng social media, sa mga nababasa at naririnig natin. kahit pa nga "friendly advice" yan, hindi naman ibig sabihin eh tama na. kasi hindi mo naman alam baka may interior motive pala siya. tipong abangers.
- GUSTO MO NA BA SIYA MAWALA SA BUHAY MO?
handa ka na ba makita siya sa piling ng iba kung sakali? handa ka na ba talagang talikuran siya?
- MAHAL MO BA SIYA?
mahal mo ba talaga siya o nasanay ka na lang na nandyan siya para sa iyo? gaya nga ng sabi ko, hindi sa lahat ng oras eh masaya kayo. meron at merong problema at pagsubok na dadating sa inyo. kung nakipag relasyon ka lang para sumaya, meaning hindi mo talaga mahal partner mo.
- ANO YUNG UNA MONG NAGUSTUHAN SA KANYA?
gaya nga ng kasabihan " lets go back.. back to the beginning ".. alalahanin mo yung panahon na nagsimula kayo. mag reflect ka, kung ano yung meron siya bakit ka na- attract. pero minsan kasi, naka focus tayo sa " dating siya".. yung tipong "nag iba na siya".. nag iba nga ba o nag grow lang? kasi kung nag grow siya, then it's a good thing.
- PRIORITIES
pareho ba kayo ng goals? nasa priorities ka ba niya? o nababalewala ka na? hadlang ba siya sa pag abot ng pangarap mo? hindi ka ba niya nakikita kasama sa future niya? hindi mo ba siya napi- picture sa pagtanda mo?
- MAHAL KA BA NIYA?
hindi mo na ba nararamdamang mahal ka niya? o nakukulangan ka? sa part na to, hindi kailangang same love language kayo. kasi may 5 languages of love. ask yourself, hindi ba niya naipaparamdam sa iyo yung pagmamahal niya sa paraang gusto mo? may kupang ba? tanungin mo din sarili mo kung may respeto ba siya sa iyo? kasi kung sa tingin mo hindi ka niya mahal at walang respeto sa iyo, then move forward na.
Kudos for posting.