Sinasaktan ka ng pag asa

0 20
Avatar for Jackie123
3 years ago

Hindi mo akalaing ang pag-asa pa pala ang makakasakit sayo, hindi ka makausad, hindi ka makalimot, hindi ka makabitaw kasi iniisip mong may pag-asa pa.

Umaasa kang may babalik matapos ang lahat ng nagdaan, ilang beses ka nang nasaktan, ilang beses mo na ring niloloko ang sarili mo kaya hindi mapunan ng kahit sino man ang butas diyan sa puso mo.

Kailan ka ba mapapagod? At hanggang kailan ka ba kakapit sa pag-asang matagal nang umalis sa mga kamay mo? Mamulat ka na, kahit mahirap, kailangan mong tanggapin na wala talagang permanente, madalang ang mga taong nananatili.

'Wag ka nang maghintay sa matagal nang nagpaalam at 'wag ka nang umasa sa alam mong hindi na babalik.

5
$ 0.00

Comments