Saan Ako Patungo?
Sa mundong magulo,
Sa daang makipot,
Pag-asa’y nawawala,
Pangarap na gusto nang isuko.
Saan ba ako patungo?
Ako ba’y dapat lumiko?
Sa kanan?
Sa kaliwa?
Nasaan ang tamang daan?
Dapat pa bang ihakbang ang nanlalambot na mga paa?
Ilang luha na ba ang pumatak?
Sa mga araw na masisilayan ang ngiting walang bahid ng pait.
Sa gabing maririnig ang inu-umagang hikbi.
Mga basang unan, Ang mga traydor na mga luha na nag uunahang kumawala.
Dapat pa ba kitang ilaban?
O hahayaan nalang tangayin ng hangin at simulang kalilimutan.
Ipapaubaya nalang kay tadhana.
Hindi na makita ang tapang, wala na ang lakas ng loob.
Napapalibutan na nang takot at pangamba na baka ang simula’y ma-uuwi uli sa wala.
Ang muling mabigo.
Kasabay nang pagsikat ng araw ang pusong humihiling.
Na sana’y akin naman,
ako naman.
Wag hahayaang tuluyang mapalitan ng dilim ang liwanag at tatapusin ang lahat.