Paalam

2 25
Avatar for Jackie123
3 years ago

"Huli na ito"

Paalam, Oo ito na ang huli

Bukas hindi na sasambiting muli

Ilang beses nabigong pangatawanan

Pagkat maraming beses inusal ang muli nating subukan

Ngunit nabigo at muli nanamang luhaan

Sinubukang intindihin ng ilang ulit

Pinalagpas kahit sobra na ang sakit

Mahabang panahon na lubusang inintindi

Pinanghawakan mga salitang "ako'y babawi,"

At ang "patawad hindi na mauulit,"

Ngunit araw, linggo at buwan, nanatiling sawi

Hindi ko na ipagpipilitan pa

Sa pag iyak titigil na muna

Sakit ng puso papagpahingahin na

Sarili'y susubukan muling mapasaya--

na hindi sayo ini-aasa.

Ititigil na ang imposibleng mangyari

Naubos na ang dahilan para ibalik ang dati

Nahirapan bago mapakawalan

Pagkat matagal bago natauhan na;

Sa mga bawat "busy ako" mong dahilan

Batid kong oras mo'y sakanya inilaan

Mga mahahalagang araw na iyong nakalimutan

Hinayaang gamitin ang mga dahilang

"na-late lang dahil over-time"

Sa likod ng "mahal kita"

May nakatagong "ako'y sawa na"

Bawat bigkas na "hindi kita iiwan"

Kasunod ang "pasensya pero relasyon natin

kelangan ng tuldukan"

At sa mga katagang "lokohin ka'y hindi magagawa"

Katumbas ay "pasensya hindi ko sinasadyang

oras ay mailaan sa iba."

Pag-uusap at Pagpapatawad ng ilang ulit

Sumobra ang sakit na dulot, wala ng ipipilit

Kaya Mahal, Salamat sa maraming taon

At sa mga aral na ipinabaon

Paalam, Oo ito na ang huli

Bukas masasambit na kaya ko nang muli

Ilang beses nabigo at ngayon kaya ng pangatawanan.

Sarili'y hindi susukong sumubok bumangon muli at lumaban,

Sa kabila ng pagkabigo at pagiging luhaan.

2
$ 0.00
Avatar for Jackie123
3 years ago

Comments

Nagpapaalam po ba?or iiwanan ang minahal..pwede na rin po pang eulogy.. 😊👍✌

$ 0.00
3 years ago

Hehe..😁😅

$ 0.00
3 years ago