Libo-libong netizens ang naka-relate sa litrato ng kape at kanin na maraming Pinoy ang tiyak na nasubukan ito
Ang kape kasi ay ginawang pansabaw sa kanin na para sa mga mahihilig sa kape ay masarap na kombinasyon
Mayroon namang benepisyo at hindi magandang epekto kapag nasobrahan ng pag-inom ng kape
Mahilig ang maraming Pinoy sa kape — ito ang mapapansin sa mga coffee at cafe shop na punong-punong ng mga customer na umiinom ng iba’t ibang klase at timpla ng kape.
Bukod sa mga coffee shop, hinding-hindi naman mawawala sa bahay ng mga pamilyang Pinoy ang mga pakete ng 3-in-1 na kape na kalimitan nilang tinitimpla sa umaga—maski tanghali, hapon, o gabi.
Habang mayroon din namang mga Pinoy na ang gustong kape ay iyong classic na tinitimplahan ng asukal at creamer. At nauso na rin sa ibang Pinoy ang nabu-brew ng kape gamit ang coffee brewer.
Sa dami na ngayon ng mga klase ng kape, mayroon pa rin kayang mga Pinoy na ginagawang sabaw ang kape sa kanin?
Ibinahagi ng Facebook page na may pangalan na Page na nagpapaalala uminom ng kape ang larawan ng kape na ginawang pansabaw sa kanin. Umani ito ng libo-libong reactions mula sa netizen na naka-relate at naranasan nang gawin ito.
Kung ang powder ng gatas na hinahaluan ng asukal ay nakasanayan na ring ulamin ng marami sa atin, mayroon din namang mga ginagawang sabaw ang kape sa kanin.
May netizen na nagsabing masarap umanong gawing sabaw ang kape sa kanin sa umaga tuwing may ulam na tuyo. Habang may nakapagsabi na masarap ihalo ang kaning lamig sa kape.
Marami naman ang benepisyong makukuha sa pag-inom ng kape. Ito ay nagtataglay ng nutrients tulad ng vitamin B2 at vitamin B5 na mabuti sa ating katawan.
Habang nagbabala naman ang mga eksperto na hindi maganda ang sobrang pag-inom ng kape lalo na kung nagpapapayat ang isang tao.
“Bumibilis ang heart rates, umiinit ang katawan pero kung marami ang iniinom nagiging delikado po itong supplements,” babala ng endocrinologist na si Patrick Siy.
Tulad ng palagi nating naririnig, “drink moderately” pati na rin sa kape upang hindi masobrahan dahil lahat ng sobra ay hindi maganda. Mabuti pang maghanap na lang ng kapeng matapang, yung kaya kang ipaglaban!
Ehhh? 😬