Yung oras na ginagamit mo sa kakahintay ng closure na wala namang kasiguraduhan, gamitin mo na lang sa pagtanggap at pagpapatawad. Huwag mo nang idahilan na kasi mahirap, kasi may pinagsamahan, kasi madaming memories, kasi those are facts and yun ang mga bagay na wala tayong control at default na. Instead of waiting for that closure o 3 month rule na yan, use your time to slowly accept that your broken, nagkamali ka, nagkamali siya, nagkasakitan kayo pareho, siguro may pagkukulang ang bawat isa, etc. What matters most is that you gradually acknowledge your emotions. For me, nasasayang yung oras mo sa mga bagay na wala ka namang control kagaya ng paghihintay ng closure na hanggang ngayon wala pa rin namang ganap. Hintay ka ng hintay eh masaya na siya sa iba. Hintay ka ng hintay ng closure, umaariba naman yung love life niya sa ibang tao. Focus on the things that you can control like improving yourself, loving your flaws, embracing who you are, accepting that you're human. Nasasayang yung oras sa maling bagay habang nate-take for granted yung mga dapat pinagtutuunan ng pansin.
0
26