Baked Creamy Tortang Talong: Next level recipe ng simpleng torta, alamin kung paano gawin

4 15
Avatar for Jackie123
4 years ago
  • Isang netizen ang nag-upload ng kanyang recipe sa paggawa ng Baked Creamy Tortang Talong

  • Ito ay mistulang next level na bersyon ng nakagawian nating pagluluto sa putaheng tortang talong

  • Maraming netizens ang nag-tag ng kanilang mga kaibigan sa Facebook upang hikayatin na subukan itong gawin

Simpleng ulam ngunit siguradong napakasarap!

Kapag ating narinig sa tahanan na tortang talong ang ating ulam, tiyak ang dami ng kanin na ating makakain sa hapag.

Hindi maikakaila na isa ito sa mga paboritong Filipino dish nating mga Pinoy na sa ingles ay eggplant omelette kung tawagin.

Inihaw na talong, itlog at asin— ito ang mga pangunahing sangkap nito na atin nang nakasanayan. Subalit ang netizen na si Louie Calara ay nagpakita ng kakaiba at makabagong recipe ng pagkaing ito.

Sa post na kanyang ibinahagi sa isa sa mga kilalang Facebook group ukol sa usaping pagkain na Let’s Eat Pare, ay makikita ang kanyang recipe ng “Baked Creamy Tortang Talong”.

Ayon sa kanyang post, ang mga sangkap ay talong, olive oil, ground meat, bawang, paprika, parsley, 1 cup milk, itlog, mozzarela, cheese curd, asin at paminta.

Pati na rin ang paraan ng pagluto nito ay kanyang ibinahagi.

Una ay ilaga ang talong at siguraduhing hindi overcooked. Pagkatapos ay igisa na ang bawang at karne kasama ng parsley at saka ito lagyan ng asin at paminta. Sumunod ay ihanda ang pinagsamang itlog at gatas na lalagyan din ng asin at paminta.

Matapos mahanda ang mga ito, ilagay na ang talong sa lagayan, ibuhos ang mixture ng itlog at gatas, at ilagay sa ibabaw ang cheese, ginisang karne, parsley at paminta.

Ito ay i-bake sa temperaturang 180 degrees celcius sa loob ng tatlumpung minuto.

Maraming miyembro ng Let’s Eat Pare Facebook group ang natakam at nahikayat na ito ay gawin din kasama ng kanilang mga kaibigan.

“I will do this as well, thank you so much for the recipe.”

“Nice. Very close to eggplant lasagna.”

4
$ 0.00
Avatar for Jackie123
4 years ago

Comments

Ma sarap po yung tatlong. HAHAHAHA

$ 0.00
4 years ago

Sana all may oven churva? ✌️😁😁

$ 0.00
4 years ago

Hahaha yung hilaw ba? 😂

$ 0.00
4 years ago

Masarap yan kung may oven ka hahaha..😂🤪

$ 0.00
4 years ago