Sleep Paralysis

1 50
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Nagising ka ngunit hindi mo maigalaw ang iyong katawan at may nakikita kang hindi maipaliwanag na anino o elemento na nakatitig sa iyo,may nararamdaman ka pang mabigat na nakadagan sa iyo kahit wala ka namang nakikita.

Nakakatakot diba? Yung parang hindi mo na ulit nanaisin mangyari sa iyo at mapapadasal ka na lang sa nangyari.

Simulan natin sa...

Ano nga ba ang Sleep Paralysis?

Sleep Paralysis-Sleep paralysis is a feeling of being unable to move, either at the onset of sleep or upon awakening. The individual's senses and awareness are intact, but they may feel as if there is pressure on them, or as if they are choking. It may be accompanied by hallucinations and intense fear.

Nakaulat dyan sa taas na ang Sleep Paralysis daw ay pakiramdam na hindi mo maigalaw ang iyong katawan,bago man matulog o pagkagising mo.Gising ang iyong diwa pero may mararamdaman ka na parang bigat o nakadagan sayo o nasakal.Pwede ring makakita ka ng halusinasyon at pagkaramdam ng sobrang takot.

Alam kong marami sa atin ang nakakaranas nito at alam kong naisip mo na rin kung paano nga ba ito mawawala o maiiwasan.

Bakit/Paano nagkakaroon ng Sleep Paralysis?

Sinasabi na ang dahilan daw ng pagkakaroon ng Sleep Paralysis ay ang kakulangan ng pagtulog,pagkapagod,mga ibang dahilan ng problema sa pagtulog.

Paano maiiwasan ang Sleep Paralysis?

Kailangan ng sapat na tulog at maayos na oras ng pagtulog ,kasama narin ang pag eehersisyo para umayos ang katawan upang maiwasan ang Sleep Paralysis.

3
$ 0.00
Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Comments

Salamat sa impormasyon po

$ 0.00
4 years ago