Pusang Gala

0 21
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Sino sa inyo may pusa? Siguradong nakakatuwa kung may alaga kayo pero meron ding iba na di nagugustuhan ang pag aalaga dahil sa kulit ng mga ito,may mga iba't ibang lahi pa.

Nung nakaraang mga linggo,nung ako'y lumabas para bumili habang pabalik ako sa bahay may nakita akong isang muning,napaisip ako na baka may nagmamay-ari o kaya ligaw lang ito,napatigil ako sa paglalakad dahil umiiyak ito.Hindi ko alam ang gagawin ko dahil ang alaga ko naman talaga ay mga aso,pero hindi ako makatiis na iwan lang ito baka mabundol o masagasaan pa ng mga sasakyan.

Dinala ko na lang sya sa bahay at sinubukan alagaan,talagang mahirap mag alaga HAHAHA.Sa dumi pa lang nito ay nakakastress na pero habang tumatagal ay nasasanay na ako sa lagi kong ginagawa para sa muning na iyon.Sadyang napamahal na lang talaga ako dito dahil wala naman akong ibang alagang pusa,nilinisan at binilihan ko ng cat food para umayos ang kanyang pangangatawan.

Ito nga pala yung mga litrato ni Kimchi pero lalake sya.

Mga ilang linggo na din ang lumipas ay naging komportable na sya sa bahay namin😂

Diba napaka cute HAHAHAHA sobrang kulit nyan,hilig mangagat ng paa.

Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty

5
$ 0.00
Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Comments