PAG-AMOY SA UTOT: Nakakahaba ng buhay?

0 13
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Mayroon ka bang kakilalang ututin? O 'di naman kaya, Isa ka sa mga taong madalas umutot? Karamihan sa atin, sa tuwing nakakaamoy tayo ng utot, madalas tayo ay naiirita dahil sa mabahong amoy nito. Kung minsan, nakakaturn-off din ito lalo na't sa iyong karelasyon na madalas umutot.

Mayroon ding mga pagkakataon na pinipigilan nating umutot pero kahit anong pigil natin ay lalabas at lalabas pa rin ito. lalo na't kung tayo ay nasa loob ng jeep, o 'di naman kaya sa mga pampublikong lugar.

Ngunit, naisip mo na rin ba na ang pag-amoy sa utot ay mayroong dalang health benefits?

Ayon sa mga reseacher mula sa University of Exeter ng England, ma-inam para sa kalusugan ng tao ang paglanghap ng utot. Sa pag-aaral na inilabas sa journal na Medicinal Chemistry Communications, sinuri ang gas hydrogen sulfide na inilalabas ng mga tao.

Sa resulta, nadiskubre ng mga researcher na ang cellular exposure na naturang gas ay kayang mapigilan ang mitochondrial damage na nagdudulot ng iba't ibang implikasyon sa kalusugan.

Ayon naman kay Dr. Mark Wood, isa sa mga researcher, kahit alam natin kung gaano kasama ang amoy ng utot, malaki pa rin ang naitutulong nito sa ating kalusugan dahil natural itong inilalabas ng katawan. Ang pag-amoy sa utot ay nakakabawas din ng panganib sa ilang life threatening diseases tulad ng cancer, stroke, and heart attack. In short, nakakahaba ito ng buhay.

Maliban dito, sinasabi na epektibo rin ito para mapigilan ang pagkakaroon ng rayuma at dementia sa pagtanda. Bumuo ng panibagong compound ang mga researcher na tinawag na AP39 na kokontrol sa tamang dami ng hydrogen sulfide na ilalabas ng ating katawan. Naniniwala ang mga eksperto na ang AP39 ay makatutulong para maipadala sa mga targeted cell sa katawan ang naturang gas.

Ayon din kay Professor Mark Whiteman mula rin sa University of Exeter, kapag na-stressed na ang mga cell mula sa isang sakit, maglalabas ito ng enzyme na mag-ge-generate sa hydrogen sulfide na tutulong sa mga cell upang mabuhay.

Sa isinagawang mga clinical trial, napatunayan ang positibong epekto ng AP39 sa mga pasyenteng may cardiovascular disease matapos matulungang mabuhay nang 80% ang mga cell. Sa ngayon, mas pinalalawak na lamang ng mga siyentipiko ang naturang pag-aaral.

Gayon pa man, handa ka bang amuyin ang utot ng iyong kaibigan o kasintahan para sa ikahahaba ng iyong buhay?

1
$ 0.00
Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty
Avatar for Jac0bus
4 years ago

Comments