Ang Lalaking Walang Bansa

0 24
Avatar for Jac0bus
3 years ago

Sino ang mahilig rito maglakbay o pumunta punta sa ibang bansa? Mahirap ba maglakbay?

Ang kwentong ito ay patungkol sa lalaking walang bansa,mas kilala ang kwento na'to sa tawag na Man from Taured.

Taong 1954 isang lalaki ang dumating sa Haneda Airport sa Tokyo Japan,naka business attire at tulad ng mga taong bagong dating ay dumaan rin ito sa customs.

Nang titignan ng mga opisyal ang kanyang ID o identipikasyon ay nagulat ang mga ito,nakalagay sa kanyang ID na s'ya ay mula sa bansang Taured. Hinanap ng mga opisyal ang bansa ngunit ito ay hindi lumabas sa anumang mapa.

Nagpaliwanag ang lalakeng ito,sinabi n'yang pangatlong beses n'ya na itong pagbisita sa Japan. Ang lalaki ay nakakapag salita ng lenggwaheng Caucasian,nakapag sasalita rin ito ng lenggwaheng Japanese at iba pa.

Ang lalaki ay binigyan ng mapa ng mga opisyal at pinahanap sa kanyang ang nasabing mapa,ang lalaki ay hinanap ito at itinuro ang bansang Andora ngunit ito ay naguluhan at sinabing ang dapat na pangalan ng bansang iyon ay Taured.

Sinabi ng lalaki na ang kanyang trabaho ay sa isang kumpanyan at tumutuloy lang s'ya sa isang hotel,nang hanapin ng mga opisyal ang kanyang sinabing hotel at kompanya ay natagpuan ito sa Tokyo. Nang hanapin ng mga opisyal ang kanyang booking record hindi ito nahanap.

Pinagdudahan ng mga opisyal ang lalaki kaya ito ay pinatuloy muna sa malapit na hotel,habang s'ya ay nasa hotel may nakabantay na dalawang guwardya at ang lugar ay may iisang pasukan at iisang labasan lang.

Kinabukasan misteryosong nawala ang lalaki kasama ang mga dokumento nito.

Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty

1
$ 0.00
Sponsors of Jac0bus
empty
empty
empty
Avatar for Jac0bus
3 years ago

Comments