Kung hindi ako nagkakamali ngayon mo palang to makikita o mababasa,pero saan nga ba patungkol ang artikulong ito.
Simulan natin sa pagbati.
Ako nga pala si Jac0bus,taga-sulat ng mga artikulong nagpapatungkol sa mga teyorya,kababalaghan,at mga bagay na hindi gaano maipaliwanag o maintindihan.
Sana ay may mapulot kayong kaalaman sa bawat artikulo kong ginagawa at pagbibigay sa akin ng kaunting suporta para mas maengganyo ako gumawa ng mga artikulo,salamat.
Ang 21-Grams Theory ay hypothesis ni Doctor Duncan MacDougall kung saan pinatunayan nya na ang kaluluwa ng tao ay may weight. Sinimulan ang experiment nung taong 1901 kung saan sinukat nya ang weight ng kaluluwa.
Ang eksperimento sa anim na taong malapit ng pumanaw
Simumulan ni Doctor Duncan ang experiment sa anim na taong malapit ng pumanaw,parehas nya itong nilagay isa-isa sa isang special na weighing scale kung saan makikita ang kanilang weight.Ang intensyon nya ay makita at malista ang weight ng anim niyang pasyente,kunin ang weight habang buhay pa at kunin ang weight kapag patay na.Ang dalawa nyang pasyente ay may tuberculosis,lima ang lalake at isa ang babae.
Sa tulong ng kasama niyang apat na Doctor ay maingat na sinukat ni Doctor Duncan ang weight ng unang niyang pasyente bago ito pumanaw,nang pumanaw na ang pasyente isang interesanteng pangyayari ang nangyari.
“Suddenly, coincident with death, the beam end dropped with an audible stroke hitting against the lower limiting bar and remaining there with no rebound. The loss was ascertained to be three-fourths of an ounce.”
-Doctor Duncan MacDougall
Tinuloy pa rin nila ang experiment sa sumunod na pasyente at parehas lang ang kinalabasan nito,naramdaman ni Doctor Duncan na may kakaibang ngang nangyayari.
“The instant life ceased the opposite scale pan fell with a suddenness that was astonishing – as if something had been suddenly lifted from the body. Immediately all the usual deductions were made for physical loss of weight, and it was discovered that there was still a full ounce of weight unaccounted for”.
-Doctor Duncan MacDougall
Lahat ng pasyente ay nabawasan ng weight pagkamatay nito
Pagkamatay ng mga pasyente ay kinuha nila ang lahat ng sukat nito,kinumpara at nalaman nila na hindi pare-parehas ang weight na nabawas sa pasyente.
May nangyari na isang interisanteng pangayayari sa pangatlong pasyente,pagkamatay nito ay hindi nagbago ang weight nito pero nung isang minuto ang lumipas bigla itong nabawasan.
“I believe that in this case, that of a phlegmatic man slow of thought and action, that the soul remained suspended in the body after death, during the minute that elapsed before its freedom. There is no other way of accounting for it, and it is what might be expected to happen in a man of the subject’s temperament.”
-Doctor Duncan MacDougall
Ang kaluluwa ng tao ay 21 grams
Sa pagpapatuloy ng experiment at sa mga kasama nitong doctor na kumonsulta sa mga pasyente nasabing ang kaluluwa ng tao ay nagwe-weight ng ¾ of ounce.
Isinagawa nya ulit ang experiment ngunit ang naging test subject nya ay 15 na aso,nakita nyang walang pagbabago sa weight nito nung namatay ang mga ito.Nalaman nyang ang tao ay may kaluluwa ngunit ang mga hayop ay wala.
Ang balidasyon ng 21 grams
Sa pagpapatuloy ng experiment sinabi ni Doctor Duncan MacDougall na kailangan pa makagawa ng maraming experiment,nabaling din ang kanyang atensyon sa naisip nyang ideya.Naisip nyang subukan kuhaan ang kaluluwa sa pag alis nito sa katawan ng tao ngunit sa kasamaang palad hindi na natuloy ang kanyang experiment,pumanaw ito sa taong 1920.
And thats all,salamat sa pagbabasa ng munti kong artikulo sana ay may napulot kayong aral.
"We have full of choices in life but always choose to do right and to do good"- Jac0b
note: I just want to give thanks to my sponsors,you're such a blessing to my life.Here is my article @Ashma :).
Hhhmm? Actually wala ako na convinced sa resultsa experiment nya, parang ang dami pang kulang. Kung pano nya na sabi na walang kaluluwa ang mga hayop. Dapat talaga may mga ilalabas ssyang mga susuporta dun hindi lang sa experimaent nyaaa. Baka kasi iba lang din ang wait ng soul ng hayop.
Anyways super interesting yung kwento graabiee. Sayang lang kasi hindi nya nataposs..